Sinabi kahapon ni Li Qingyang, isa sa mga estudyante taga-Sichuan na, matagal na hindi siya ganyong nagpakasaya at ang kanyang karanasan ay tulad ng pangarap at naramdaman niyang bumalik siya sa dating paaralan na hindi pa napulbos ng lindol at nagpakalibang kasama ang mga kaklase.
Sinabi naman ni 12-taong gulang na Chen Huimin, isa sa mga estudyanteng taga-Sichuan, na maghapon siyang nagpakasaya at lumalayo ang anino ng lindol at umaasa aniya siyang sa hinaharap, ang lahat ng mga nabiktima ng lindol at ang lahat ng mga nag-alay ng tulong sa mga biktima ay magpapakaligaya magpakailanman sa kabila ng anumang kahaharaping kahirapan.
|