Narito ang ulat ni G. Xu Lingui, reporter ng Xinhua News Agency sa Manila.
Kahapon ng hapon, kasabay ng pagpasok ng sandaang estudyente mula sa nilindol na Sichuan sa Chiang Kai Shek College, agarang nalipos ng kaligayahan ang 70-taong gulang na kolehiyo ng Pilipinas at dumagundong sa kampus ang tinig na "Suportahan namin ang mga kaibigan taga-Sichuan at hayaang magkakasamang umabante tayong lahat!"
Sa kolehyo, nagpalipas ang sandaang estudyanteng Tsino at sandaang estudyanteng Pilipino ng masayang hapon. Sa simula, dahil hindi pa kilala, medyo matimpi ang mga bata, pero, pagkaraan ng tatlong interactive game, nakisalamuha sila sa isa't isa.
Sinabi ni Li Qingyang, isa sa mga estudyante taga-Sichuan na, matagal na hindi siya ganyong nagpakasaya at ang kanyang karanasan ay tulad ng pangarap at naramdaman niyang bumalik siya sa dating paaralan na hindi pa napulbos ng lindol at nagpakalibang kasama ang mga kaklase. Sinabi naman ng direktor ng Chiang Kai Shek College na ikinalulugod niyang makita na nagpakasaya ang mga bata tulad ng mataimtim na magkakapatid. Sinabi niya na malat ang tinig niya dahil sa pag-cheer up para sa kanila. Umaasa aniya siyang lalakas pa ang loob ng mga batang nabiktima ng lindol dahil sa Pilipinas, sinusuportahan sila ng mga kasing-edad na Pilipino.
Nauna sa kanilang pagbisita sa Chiang Kai Shek College, dumalaw rin ang mga batang taga-Sichuan ng Kaisa Heritage Center na kung saan nalaman nila ang hinggil sa mahabang kasaysayan ng integrasyon at pagkakaibigan ng Tsina't Pilipinas. Kagabi naman, inanyayahan silang dumalo sa bangketeng handog ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas at pagkatapos, nagpakasaya sila sa damuhan ng embahada.
Sinabi naman ni G. Deng Xijun, Charge De Affaires ad Interim ng Emabahadang Tsino, na nang maganap ang super-lindol sa Sichuan noong nagdaang Mayo, kahit malayo ang mga staff sa inang-bayan, abot-abot nila ang nararamdaman at nararanasan ng mga kababayang Tsino at agaran silang nagpadala ng kanilang suportang pinansyal at materyal sa mga apektadong kababayan. Samantala, ang 2.5 milyong Chinese-Filipino, kasama ang mga Pilipino sa iba't ibang saray, ay nag-abuloy ng salapi at materyal sa pamamagitan ng embahadang Tsino. Ang lahat ng mga ito ay nagpapakita ng magkakadugong pagkakaibigan ng mga mamamayang Tsino at Pilipino.
Ayon sa pinakahuling estadistika, umabot na sa 33.29 na milyong Yuan RMB o 4.76 na milyong dolyares ang kabuuang donasyon mula sa panig di-pampamahalaan ng Pilipinas at lampas na sa 6,700 ang bilang ng kanilang inabuloy na tolda. Ang biyahe ng mga estudyanteng taga-Sichuan sa Pilipinas sa paanyaya ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay isa sa mga morale booster ng panig Pilipino sa mga kaibigang Tsino na nasalanta ng lindol.
Sinabi sa mamamahayag ni 12-taong gulang na Chen Huimin, isa sa mga estudyanteng taga-Sichuan, na maghapon siyang nagpakasaya at lumalayo ang anino ng lindol at umaasa aniya siyang sa hinaharap, ang lahat ng mga nabiktima ng lindol at ang lahat ng mga nag-alay ng tulong sa mga biktima ay magpapakaligaya magpakailanman sa kabila ng anumang kahaharaping kahirapan.
|