• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-01-13 19:59:59    
Landas ng nayong Houle tungo sa pagiging kayamanan

CRI

30 taong nakaraan, mahirap ang nayong Houle ng lunsod Yiwu ng lalawigang Zhejiang ng Tsina, datapuwa't sa kasalukuyan, ang nayong ito ay naging isang kilalang nayong industriyal at ang halaga ng produksyon nito ay lumampas sa 100 milyong yuan RMB. Kahit 262 pamilya lamang sa nayong ito, 60% sa mga ito ay nagnenegosyo.

Ang 56 na taong gulang na si Chen Puchang ay kalihim ng sangay ng Houle ng partido komunista ng Tsina o CPC at siya ang namumuno ng nayong ito tungo sa pagiging mayaman. Inilahad niya na(sound)

"Noong gitnang dako ng ika-9 na dekada ng nagdaang siglo, ang halaga ng produksyon ng aming nayon ay lumampas sa 100 milyong yuan RMB at masipag ang aming mga taganayon. Sa pamamagitan ng ilampung taong pagsisikap, ang buwis naming binabayaran ang estado bawat taon ay lumampas sa 2 milyong yuan RMB."

Pumasok sa nayong ito, makakakita kayo ng mga patag na kalye, bilya, maluhong kotse na gaya na BMW at Benz at magiliw na taganayon. Datapuwa't bago ang 1983, mahirap ang nayong ito at ang taunang karaniwang kita bawat tao ay wala pa sa 100 yuan RMB. Sinabi ni Chen na dahil sa kahirapan, nakatahak ang mga taganayon sa landas ng pagsisimula ng negosyo para maging mayaman.

Noong unang dako ng ika-8 dekada ng nagdaang siglo, ang reporma at pagbubukas ng Tsina ay kumalat sa nayong ito. Noong 1983, isinapubliko ng pamahalaan ng Yiwu ang kapasiyahan na hayaan ang pagnenegosyo ng mga magsasaka, paghahatid at pagbebenta ng paninda, pagbubukas ng pamilihan ng nayon at lunsod at kompetisyon sa iba't ibang aspeto. Mula noon, nagbago ang kapalaran ng nayong ito.

Hanggang sa noong unang dako ng ika-9 na dekada ng nagdaang siglo, ang saklaw ng pamilihan ng mga maliit na paninda ng Yiwu ay nasa unang puwesto ng buong bansa at noong panahong iyon, sa ilalim ng pamamatnubay ng pamahalaan ng lokalidad, pinatatakbo ni Chen at ng ibang mga taganayon ang kani-kanilang pabrika.(sound)

"Noong unang dako ng ika-9 na dekada ng nagdaang siglo, nagbago ang amaing kamalayan. Batay sa kahilingan ng pamahalaan ng Yiwu, hindi lamang nagnegosyo kami, kundi nagpatakbo ng pabrika."

Kasunod ng pagtatayo ng mga pabrika at pagiging mayaman ng mga taganayon ng nayong ito, lumitaw ang ilang porblema. Noon una, ang umano'y pabrikang pinatatakbo ng mga taganayon ay, sa katunayan, mga talyer lamang. Kay dami nito at nakakaapekto sa karapat-dapat na sakop ng pabahay ng mga naninirahan ng nayon at pag-unlad ng mga bahay-kalakal. Kaya ipinasiya ng lupon ng mga taganayon na itayo ang isang industrial park. Sinariwa ni Chen Jiuyun, Direktor ng lupong ito na(sound)

"Kay dami ng mga maliit na bahay-kalakal, nagkakabit-kabit ang mga ito. Kaya naapektuhan nito ang pagtatayo ng pabahay ng mga naninirahan. Sa ilalim ng pagkatig ng pamahalaan ng Yiwu, itinayo namin ang isang industrial park at ipinalipat sa parke ang lahat naming talyer pantahanan. Sa kasalukuyan, ang aming parke ay naging mas masaklaw na parke ng Yiwu at lumipat muli doon ang mga bahay-kalakal naming. Kung walang pagkatig ang pamahalaan, imposibleng naging gayong mabilis ang pag-unlad namin."

Dahil sa magandang patakaran at pagkatig ng pamahalaan, lumalaki nang lumalaki ang saklaw ng mga bahay-kalakal ng nayong ito. Ang mga aktibidad na produktibo namin ay, sa larangan sa damit, artikulong pansining at stationery. Naging mayaman ang nayong ito, datapuwa't hindi kontento si Chen at may bagong plano siya sa konstrukasyon ng bagong nayon. Sinabi niya na (sound)

"Pinaplano namin ngayon ang isang may katangiang pagbabago ng aming nayon, hindi lamang dapat magtipid ng bukirin, kundi dapat magkaroon ng sapat na lupar para sa pagtatayo ng mga pabrika at magkaroon ng mainam na kapaligiran ng pamumuhay."