Narito ang ulat ni G. Xu Lingui, reporter ng Xinhua News Agency sa Manila.
Si He Meiling ay isa sa mga dumadalaw na estudyanteng Tsino mula sa Beichuan County, isa sa mga pinakagrabeng sinalantang lugar ng super-lindol sa Sichuan noong nagdaan Mayo. Hindi niya inasahan na lipos ng masayang sorpresa ang kanyang ika-15 kaarawan—sa kauna-unahang pagkakataon sa kanyang buhay, nakabisita siya sa Pilipinas, nakakita siya ng dagat at natanggap niya ang birthday cake na alay ni Gobernador Erico Aumentado ng Bohol.
Ang sandaang estudyanteng taga-Sichuan ay dumating kahapon ng Bohol at sinimulan ang kaniyang ikalawang araw na biyahe sa Pilipinas. Sa Bohol, binigyan ang mga batang Tsino ng di-inaasahang marubdob na pagsalubong ng mga mamamayang lokal. Nang malaman ni Gobernador Aumentado na kahapon ay kaarawan ng dalawang batang Tsino na sina He Meiling at Liang Shasha, nag-alay siya ng birthday cake para sa kanila sa tanghaliang panalubong. Inawit din ng lahat ng mga kalahok sa bangkete ang kantang" Happy Birthday" para sa dalawang bata. Naglunggati sila, pinatay ang kandila at muling dumagundong ang matunog na palakpakan sa bangkete.
Sinabi ni He sa mamamahayag na excited na excited siya at umaasa siyang sa bagong taon, magkakaroon siya ng bagong pasimula at umaasa rin siyang ang kanyang biyahe sa Pilipinas ay makakakintal sa kanyang isip bilang pangmatagalang maalab na alaala.
Sinabi naman ni Gobernador Aumentado na ikinarangal niyang salubungin ng kanyang lalawigan ang delegasyong Tsino at kasabay ng pag-alay ng happy birthday sa dalawang batang Tsin0, ipinahayag din niya ang kanyang hangaring matatamo ng lahat ng mga batang panauhing Tsino ang paulit-ulit na tagumpay sa kanilang pamumuhay sa hinaharap. Sinabi niya sa mga batang Tsino na dapat nilang matutuhan kung papaanong magiging lakas-loob at mapagtiwala sa sarili at kung maisasaulo nila ito, malalampasan nila ang anumang kahaharaping kahirapan.
Sinabi ng mga bata sa mamamahayag na nagpakasaya sila kahapon. Nakita nila ang tarsier at napanood ang palabas ng batang chorus na lokal. Sakay ng bapor, nagliwaliw rin sila kagabi sa Loboc River at naghapunan doon. Sinabi ng isa sa mga bata na mahirap na ilarawan ang kanyang pinupukaw na damdamin at impact nang makita niya ang dagat sa kauna-unahang pagkakataon. Aniya, talagang walang hangga ang dagat at gusto niyang magpalipad ng kanyang pangarap.
|