• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-01-15 15:07:34    
Mga mahalagang puwerto sa Guangxi

CRI
Ang Fangchenggang ay pinaliligiran ng Lalawigang Yunnan, Guizhou at Sichuan sa hilaga, ng Lalawigang Guangdong at Hainan, Hong Kong at Macao sa silangan at ng Byetnam sa kanluran at Beibu Bay sa timog. Sa kasalukuyan, pagkaraan ng 20-taong pag-unlad, ang puwerto ng Fangchenggang ay may 35 berth at ang aktuwal na bolyum ng mga kalakal na labas-masok nito ay lumampas sa 40 milyong tonelada bawat taon at may pakikipalagayang pangnegosyo sa mahigit 250 puwerto ng mahigit 100 bansa at rehiyon. Sinabi ni Li Qinru, Pangalawang Maneger ng Fangchenggang Port Group na:

"Sa kasalukuyan, ang Beibu Bay Economic Zone ay isang plataporma na nakauugnay ng kalakalan ng Tsina at ASEAN."

Noong ika-26 ng Mayo ng 2008, itinatag ng Tsina ang low-tax zone sa Qinzhou at ito ay kauna-unahang low-tax zone sa dakong kanluran ng Tsina. Sa kasalukuyan, nasa maalwang konstruksyon sa low-tax zone sa Qinzhou ang proyekto ng pagpopreseso ng mga produkto ng industriyang kemikal at langis na pinamunuan ng China National Petroleum Corporation o CNPC, pinakamalaking kompany ng langis sa Tsina sa kasalukuyan. Nang mabanggit ang dahilan ng pagpili ng Qinzhou port, sinabi ni Li Libin, pangalawang punong inhinyerong petrokemikal sa Guangxi na:

"Ang proyektong ito ay malapit sa babaying dagat sa kanya, nalutas na ang problema ng transportasyon. Sa malapit na hinaharap, iluluwas ang produktong namin sa 10 bansa ng ASEAN."

Para lubos na patingkarin ang bentahe ng naturang mga port city, pinabibilis ng Guangxi ang konstruksyon ng road net at port sa mga lunsod sa babaying dagat na tulad ng Fangchenggang, Qinzhou, Beihai at iba pa. Sinabi ni Huang Huakua, puno ng depaetamento ng trapiko ng rehiyong autonomo ng Guangxi ng Tsina, na:

"Batay sa pangkahalatang target ng pagtatatag ng maunlad na mederanong komunikasyon ng Guangxi, pinabibilis namin ang konstruksyon ng mga pandaigdigang malaking tsanel ng Guangxi patungo sa dagat at hanggahan. Nagsisikap kami para buuin ang malaking tsanel ng high way na nag-uugnay ng apat na sulok. Ayon sa plano, sa taong 2010, ang kabuuang haba ng highway ng Guangxi ay lalampas ng 3000 kilometro."