Nagpapalipas na ang sandaang estudyanteng taga-Sichuan ng 4 na araw sa Pilipinas.
Kumusta ang kanilang pamumuhay sa Pinas nitong apat na araw na nakalipas? Tumelepono kami kagabi kay Xu Xingui, reporter ng Xinhua News Agency sa Maynila at pakinggan natin kung ano ang sinabi niya rito.
"Sapul nang dumating sa Maynila ang mga estudyanteng Tsino nitong nagdaang Linggo ng gabi, mahigpit ang kanilang iskedyul. Sa kanilang unang araw na biyahe noong ika-12 ng buwang ito, bumisita sila ng Kaisa Heritage Center at Chiang Kai Shiek High School at nagtamasa rin sila ng bangketeng handog ng Embahadang Tsino. Sa ikalawa at ikatlong arw ng biyahe noong ika-13 at ika-14 ng buwang ito, naglakbay ang mga batang Tsino ng Bohol."
Gusto ba ninyong malaman ang hinggil sa pagbuo ng delegasyon ng mga batang Tsino? Tunghayan natin ang salaysay ni G. Du Kewei, puno ng delagasyon.
"Ang sandaang estudyante ay mula sa 11 mataas na paaralan ng mga nilindol na lugar ng Sichuan at ang kanilang edad ay mula sa 11 taong gulang hanggang 16 na taong gulang. Magagaling estudyante sila at ilan sa kanila ay naulila ng super-lindol sa Sichuan noong nagdaang Mayo."
Para sa higit na nakararaming batang Tsino, ang biyahe sa Pilipinas ay ang kanilang kauna-unahang pagbisita sa ibayong dagat at excited na excited sila sa sandaling tinanggap ang imbitasyon ng panig Pilipino.
Ganito ang sinabi ni Feng Yinyun, isa sa mga bata.
"Sa sandaling tinanggap ang imbitasyon, tuwang-tuwa ako. Bilang mga batang sugo ng pagkakaibigang Sino-Pilipino, mabigat ang aming tungkulin at makabuluhan ang biyahe. Ang biyahe ay nakakatulong sa paghilom ng sugat sa damdamin na dulot ng lindol."
Totoo iyon, ang biyahe sa Pilipinas ay nagpapahupa ng kanilang trauma na dulot ng lindol.
Sa kanilang pagbisita sa Chiang Kai Shiek High School, maraming batang Tsino at Pilipino ang nagiging matalik na kaibigan at ipinangako nilang magpatuloy ng ugnayan sa pamamagitan ng QQ at email. Ganito ang sinabi ni Deng Li, isa sa mga batang Tsino.
"Pagkaaraang umuwi ako sa Sichuan, magpapadala ako sa koreo ng Chinese knotting sa mga kaibigang Pilipino at sa tingin ko, ito ang pinakaangkop na regalong may katanging Tsino na dapat ialay sa mga kaibigang Tsino."
Sa ChKS high School, nagpalabas din ng katutubong sayaw ang mga estudyanteng Tsino mula sa autonomous county ng Lahing Qiang, isa sa mga sinalantang lugar ng lindol. Ganito ang sinabi ni Wang Yumei, isa sa mga mananayaw.
"Ang sayaw ng lahing Qiang ay kumakatawan ng masaganang ani at kaligayahan, sa anumang sandaling nararamdaman ng mga mamamayang Qiang ang kaligayahan, magsasayaw sila. Pula ang kasuutan at ipinakikita rin nito ang kaligayahan. Ito ang dahilan kung bakit inihandog namin sa mga kaibigang Pilipino ang aming tradisyonal na sayaw."
Ang dalawang araw na biyahe sa Bohol ay ang pinakaexciting para sa mga batang Tsino. Ganito ang sinabi ni She Xiangpeng ang hinggil sa tarsier, ang kaniyang pinakamalalim na impresyon na iniwan ng pagdalaw sa Bohol.
"Maliliit man ang mga tarsier, napakalaki naman ang kanilang mata. Cute na cute sila."
Bukod sa mga hospitable mamamayang lokal, mga kilalang scenic spot at kawili-wiling tarsier, ang isa pang di-nakalimutang alaala para sa mga batang Tsino ay sa kauna-unahang pagkakataon, ang karamihan sa kanila ay nakakita sa dagat. Ganito ang sinabi ni Li Qingyang, isa sa mga estudyanteng Tsino.
"Sa kauna-unahang pagkakataon, nakakita ako ng dagat. Excited na excited ako. Tumitili ako sa dalampasigan at nangongolekta rin ako ng maraming kabibi."
Sinabi naman ni He Meiling na mahirap na ilarawan ang kanyang pinupukaw na damdamin at impact nang makita niya ang dagat sa kauna-unahang pagkakataon. Aniya, talagang walang hangga ang dagat at gusto niyang magpalipad ng kanyang pangarap.
Kahit hindi pa natatapos ang kanilang biyahe sa Pinas, malalimang naaakit na ang mga bata ng Pilipinas. Sinabi ni He Jie, na:
"Maraming maraming salamat sa inyo, Pilipinas at marubdob na nagmamahal na ako sa lupa at mga mamamayang Pilipino."
Sinabi naman ni Liang Yiyi na:
"Mabuhay!"
|