• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-01-16 18:47:54    
PGMA, nakipagtagpo sa mga estudyanteng taga-Sichuan

CRI

Mga alas-11:00 ngayong umaga, sa Heroes' Hall ng Malakanyang, nakipagtagpo si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa delegasyong Tsino na binubuo ng sandaang estudyante at kanilang mga guro mula sa Sichuan, lalawigang sinalanta ng super-lindol nitong nagdaang Mayo.

Kaugnay nito, kinapanayam namin sa telepono si Xu Lingui, reporter ng Xinhua News Agency sa Maynila, at tunghayan natin kung ano ang sinabi niya rito.

"Bumigkas ng maikling talumpating panalubong si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Ipinahayag niya ang kanyang taos-pusong pagtanggap sa mga batang panauhing Tsino. Aniya pa, lubusang ina-appreciate niya ang mahaba't matalik na pagkakaibigang Sino-Pilipino at dahil papalapit ang Spring Festival, gusto niyang iabot ng pagbating pambagong-taon sa sambayanang Tsino sa pamamagitan ng mga media na Tsino."

Anong tagpo ang nag-iwan ng pinakamalalim na impresyon kay G. Xu? Pakinggan natin.

"Ang tagpong tumitimo sa aking puso ay ang paghandog ng mga estudyante ng lahing Qiang ng auspicious satchel para kay Pangulong Arroyo. Nagtatagal ang mga mamamayan ng lahing Qiang sa pagtahi at pagbuburda ng satchel. Simple man, nagpapakita naman ito ng kagandahang-loob ng mga mamamayan ng mga sinalantang lugar ng Tsina."

Ang auspicious satchel ay may hugis na ulo ng kambing at nakikita rin ang makulay na burdadong peony at titik Tsino. Ang lahat ng mga ito ay nagpapakita ng magandang pagbati at taos-pusong pasasalamat ng mga mamamayang Tsino sa panig Pilipino.

Inawitan din ng mga estudyante si Pangulong Arroyo ng kantang Tsino na pinamagatang "Pusong May-Utang-Loob." At kinunan din sila ni Pangulong Arroyo ng litrato.

Sa ngalan ng mga panauhing Tsino, bumigkas ng talumpati si G. Du Kewei, puno ng delegayon. Pakinggan natin ang quotation ni Reporter Xu Lingui ang sinabi ni G. Du.

"Sinabi ni G. Du kay Pangulong Arroyo na salamat sa biyahe sa Pinas, nabobroaden ang vision ng mga batang Tsino at ito ay makakatulong sa kanilang pagharap sa kahirapan sa hinaharap at sa pagpapatibay ng kanilang pananalig sa muling pagtatayo ng tahanan."

Nang sabihin ni Du na maraming estudyanteng taga-Sichuan ay nagmamahal na sa lupa at mamamayan ng Pilipinas, maningning ang ngiti ni Pangulong Arroyo.

Anu-ano ba ang iba pang mga aktibidad ng mga estuyanteng taga-Sichuan sa araw na ito? Tunghayan natin ang salaysay ni G. Xu.

"Pagkaraan ng pagtatagpo nila ni Pangulong Arroyo, nakatakdang pumunta rin ang mga batang Tsino sa Mega Mall, bumisita sa Museo ng Siyensiya at manood din sila ng 3-D movie."