Natapos na ngayong araw ng sandaang estudyanteng taga-Sichuan ang kanilang pitong-araw na biyahe sa Pinas. Sa kanilang maikling biyahe, umani ang mga batang Tsino ng kaligayahan at pagkakaibigan. Sinabi nila sa amin na talagang ayaw nilang magpaalam sa lupa at mga mamamayan ng Pilipinas.
Sa palatuntunan sa gabing ito, balik-tanawin natin ang kanilang nakakaantig-damdaming karanasan sa Pinas.
Mga alas-11:00 kahapon ng umaga, sa Heroes' Hall ng Malakanyang, nakipagtagpo si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa delegasyon ng mga batang Tsino. Nang banggitin ang kanilang impresyon kay pangulong Arroyo. Ganito ang sinabi ni Liang Ji, isa sa mga bata.
"Magiliw at easy-going ang pangulo. Mayumi ang kanyang asal at matinyas ang kanyang ngiti."
Sinabi naman ni Tian Jiayu na:
"Ang kanyang ngiti ay nagpapaalis ng aking kaba at malayo sa bureaucratic airs ang kanyang magiliw na asal. Ang kanyang maharlika at mabining asal ay nag-iwan ng malalim na impresyon sa akin."
Nagpalabas ng atiwin ang mga bata para kay Pangulong Arroyo. Sa aming panayam kagabi, ganito ang sinabi ni You Zilin, isa sa mga batang performer.
"Inawitan namin si Pangulong Arroyo ng kantang 'Pusong May-Utang-na-Loob'. Ang kanta ay nasa wikang Tsino at gumamit din kami ng sign language para maintindihan ng pangulo ang liriko."
Naghandog ang tatlong batang Tsino mula sa lahing Qiang ng auspicious satchel para kay Gng. Pangulo. Bakit pinili ito bilang regalo? Ganito ang sinabi ni Wang Yumei, isa sa mga batang babae na nag-abot ng satchel sa pangulo.
"Ang auspicious satchel ay may hugis na ulo ng kambing, makukalay na burdadong peony at titik Tsino. Ang lahat ng mga ito ay simbolo ng magandang kapalaran at taos-pusong pagbati."
Sinabi ng bata sa amin na dahil sa limitadong oras, hindi nilang magawang magpugay ng katangi-taning saludo ng lahing Qiang at hindi na rin nila magawang sarilinang sabihin sa pangulo ang kanilang pasasalamat. Sa pamamagitan ng aming palatutunan, gustong nilang ipaabot ang kanilang utang-na-loob.
"Gusto naming pasalamatan ang marubdob na pagtanggap ni Pangulong Arroyo. Gusto naming sabihin na mababait at hospitable ang mga mamamayang Pilipino at kahanga-hanga ang mga tanawin."
Gusto rin nilang sabihin na:
"Dear President, we love you."
Oo nga, Dear President, we love you! Sabi rin sa amin ng mga bata na nang tanggapin ang regalo, paulit-ulit na sinabi ni Pangulong Arroyo ang "Thank YOU".
Nitong 7 araw na nakalipas, naranasan sa Pilipinas ng mga batang Tsino ang masayang sorpresa, pagkapukaw-damdamin at pagkakaibigan. Gusto nilang ihandog ang mas higit pang regalo para sa mga mamamayang Pilipino.
Sinabi ni Liang Yiyi na:
"Gusto kong ihandog ang album na binubuo ng mga litrato ng mamamayang Pilipino at matulaing lugar na kinuha namin dito sa Pilipinas at gayundin ng kuhang-larawan ng Panda, pinakamamahaling regalo ng mga mamamayang Tsino. Ito ay pinaghalong mga bagay na may katangiang Tsino at katangiang Pilipino."
Ganito ang tinuran ni He Jie.
"Ang sampagitang Tsino ay ang pagpili ko. Alam ko na ang sampagita ay pambansang bulaklak ng Pinas at ang regalo ko ay simbolo ng walang-kupas na pagkakaibigan ng Tsina't Pilipinas."
Narito ang sinabi ni Feng Yinyun.
"Bilang pasasalamat sa masasarap na putahe at matulaing mga tanawin na handog ng mga mamamayang Pilipino, gusto kong ialay ang Chinese painting ng kawayan at bato ni Zheng Banqiao, isang sinaunang alagad ng sining ng Qing Dynasty. Para sa mga mamamayang Tsino, ang kawayan ay sumasagisag sa pagiging dalisay at maharlika at simbolo rin ito ng pagtitiyaga ng mga mamamayan ng nilindol na Sichuan."
Sinabi naman ni Li Qingyang, estudyanteng taga-Mianzhu, isa mga pinakagrabeng sinalantang lunsod ng 2008 super-lindol.
"Walang dudang ihahandog ko ang katutubong Mianzhu Chinese New Year paintings sa mga mamamayang Pilipino. Nagpapahiwatig itong hindi kailanman susuko ang mga taga-Mianzhu at magpakailanman kaming aabante pa."
Anu-ano naman ang reaksyon ng mga batang Tsino sa sandaling tinanggap nila ang imbitasyon ng Pilipininas. Tunghayan natin ang sinabi ni Li Qingyang.
"Excited na excited ako dahil ito ang aking kauna-unahang pagkakataon na makapaglakbay sa ibayong dagat, makakita ng dagat at makasakay ng eroplano."
Sinabi naman ni She Xiangpeng na:
"Tuwang-tuwa man ako, balisa naman ako dahil papalapit ang aming exam, hindi ako mahusay sa Engles at ewan kong kung masasanay ako sa lutong Pilipino."
Salamat sa hospitality ng mga mamamayang Pilipino, agarang napawi ang pagkabalisa ng mga batang Tsino. Ganito ang sinabi ni Deng Li.
"Marubdob na marubdob ang mga Pinoy. Sa aming biyahe, maraming Pinoy ay kumamay at bumati sa amin at nakipag-halubilo din sila sa amin para pasayahin kami."
Sa kanilang pagdalaw sa Chiang Kai Shiek High School at Rajah Soliman Science and Technology High School, nagiging matalik na kaibigan ang mga batang Tsino at Pilipino. Nagpalitan sila ng regalo at nangako silang magpatuloy ng ugnayan sa pamamagitan ng QQ at MSN.
Tumimo ito sa puso ni G. Xu Lingui, reporter ng Xinhua News Agency sa Maynila na namamahala sa pagkokober sa biyahe ng mga estudyanteng Tsino. Sinabi niya na:
"Akala ko'y dahil sa pagkakaiba ng kultura at lingwahe, nahirapang magpalitan ang mga batang Tsino't Pilipino. Sa katotohanan naman, madaling nakilala sila sa isa't isa at sa mga interactive laro, nag-cheer-up sila sa isa't isa. Sinabi sa akin ng maraming batang Tsino na parang bumalik na sila sa paaralan na hindi pa napulbos ng lindol at parang nakipaglaro sila sa dating mga kaklase."
Bilang ganting-loob para sa pagkakaibigan ng mga batang Pilipino, nagpalabas din ang mga batang Tsino ng katutubong sayaw ng lahing Qiang. Ganito ang sinabi ni Wang Yumei, isa sa mga mananayaw.
"Ang sayaw ng lahing Qiang ay kumakatawan sa masaganang ani at kaligayahan, sa anumang sandaling nararamdaman ng mga mamamayang Qiang ang kaligayahan, magsasayaw sila. Pula ang kasuutan at ipinakikita rin nito ang kaligayahan. Ito ang dahilan kung bakit inihandog namin sa mga kaibigang Pilipino ang aming tradisyonal na sayaw."
Ang dalawang araw na pagliliwaliw sa Bohol ay nag-iwan din ng malalim na impresyon sa mga bata.
Sinabi ni Deng Li na:
"Akala ko'y chocolate hills ay isang tatak ng tsokolate."
Narito si She Qiangpeng.
"Maliliit man ang mga tarsier, napakalaki naman ng kanilang mata. Cute na cute sila."
Ganito ang sinabi ni Feng Yinyun.
"Sa kauna-unahang pagkakataon, nakakita ako ng dagat. Iba ito sa bulubunduking Sichuan. Gustong gusto kong yakapin ang dagat at makapag-ikot-ikot sa sapupo niya."
Napakabigat ng paa ng mga batang Tsino na umalis ng Pilipinas at gusto nilang samantalahin ang aming palatuntunan para ihayag ang kanilang damdamin.
Sa ngalan ng lahat ng mga bata, ganito ang sinabi ni Li Qingyang.
"Mahal kita, Pilipinas at higit na mahal kita, mga mamamayang Pilipino."
Sinabi naman ni Liang Yiyi na:
"Mabuhay!"
|