• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-01-20 10:44:35    
Pelikulang pambati sa spring festival, pinasigla ang pamilihan ng pelikulang Tsino

CRI

Ang katapusan ng nakaraang taon at unang dako ng taon ay gininduang panahon para sa pamilihan ng pelikula at ito ang itinituring na "panahon para sa pelikulang pambati sa spring festival". Ngayong taon, mahigit 30 pelikula ang ipinalabas sa panahong ito at maganansiya ang box office.

Noong ika-7 ng buwang ito, nagsimulang ipalabas ang Red Cliff II. Isinalaysay ng pelikulang ito ang isang labanang naganap sa Red Cliff. Kilalang kilala ang labanang ito sa kasaysayan ng digmaan ng Tsina sa katangiang ginapi ng mahinang tropa ang makapangyarihang lakas. Ginawa ito ni Wu Yusen, bantog na direktor ng Hong Kong at maraming kilalang aktor gaya nina Tony Leung Chui Wai, Chiling at Takeshi Kaneshiro ang gumanap ng papel. Dahil sa malakiang tagpo ng digmaan at kaakit-akit na kunwento ng pag-ibig at 700 milyong Yuan RMB na box office ng unang bahagi ng Red Cliff, ang ikalawang bahagi nito ay, natural, naging malaking hit sa kapanahunan ng kapistahang pantagsibol.

Ang Mei Lan Fang ay isa pang mainit na pelikulang pambati sa spring festival. Nilikha ito batay sa pamumuhay ni Mr. Mei Lanfang, isang bantog na master ng "Mei Pai" Peking Opera. Isinilang si Mr. Mei noong katapusan ng ika-19 na siglo, sining ng pagtatanghal ng dula na nilikha niya ay itinuturing bilang "isa sa 3 sistema ng pagtatanghal sa daigdig" . Ang mga pangunahing karekter ay sina Li Ming at Zhang Ziyi, kilalang aktor sa daigdig. Bukod sa paglikha ng bagong rekord ng box office, nabighani ng pelikulang "Mei Lan Fang " ang mga manonood sa mga tradisyonal na sining ng Peking Opera. Sinabi ni Wong Li, tagapagsalita ng China Film Group Corporation, na:

"Bilang pangunahing pelikulang pambati sa spring festival, pinasigla nito ang buong pamilihang pansining ng tradisyonal na Tsino. Mabiling-mabili ang mga libro at disc hinggil sa Peking Opera."

Ayon kay Wong Li, mga 30 pelikula ang ipinalabas sa "kapanahunan ng spring festival" at iba sa nakaraang taon, ang kuwentong isinasalaysay sa nakararaming pelikula sa taong ito ay may nakasisiyang wakas.

Ang Fei Cheng Wu Rao ay bunga ng kooperasyon nina Direktor Feng Xiaogang at Aktor Ge You. Isinalaysay nito ang karanasan ng paghahanap ng kasintahan ng isang lalaki. Sinabi ni Direktor Feng na noong 2008, nakaranas ang mga mamamayang Tsino ng maraming malungkot na pangyayari na gaya ng kalamidad ng malakas na ulan, niyebe at yelo, super-lindol sa Wenchuan at krisis na pinansyal, umaasa siyang magiging maligaya at matutuwa ang mga tao at makakalimutan ang mga kayamut-yamot na bagay. Sinabi niyang:

"Nilikha ko ang pelikulang ito para mapasigla ang mga manonood. umaasa ako, sa katapusan ng taon nang salubungin ang bagong taon, masaya sila at lipos sila ng kompiyensa at pag-asa sa kinabukasan."

Ang "pelikulang pambati sa spring festival" ay pinagmulan mula sa Hong Kong noong ika-8 dekada ng nakaraang siglo, pagkaraang mahigit 10 taong pag-unlad, nagiging itong mas masagana. Sinabi ni Gao Jun, puno ng New Film Association, na:

"Ang panahon para sa pelikulang pambati sa spring festival ay nakakakita ng pinakamatatag at pinakamataas na box office sa pamilihan ng pelikula ng Tsina. Ang pelikulang pambati sa kapistahang pantagsibol ay hindi lamang nakakapag-ambag sa box office ng pelikulang Tsino, kundi nagi ito isang tanging penomeno sa pelikulang Tsino. Ayon sa tunguhin ng pag-unlad ng pelikulang pambati sa kapistahan, may pag-asang magiging isa itong mahalagang palatandaan ng kulturang Tsino sa daigdig kasama ng kapistahang pantagsibol at unang araw ng bagong taon. Unti-unting maipagpapatuloy nito ang tradisyonal na kulturang Tsino sa apat na sulok ng daigdig."