Ang tradisyonal na kapistahan ng Tsina, Spring Festival, ay darating. Kahit nananatili pa rin ang krisis na pinansiyal sa buong mundo, ang pinakamahalagang tradisyonal na kapistahan ng Tsina ay nagpapasulong ng pamilihan ng konsumo sa iba't ibang lugar. Sa kasalukuyan, sapat ang pinanggagalingan ng paninda sa pamilihan, espesyal na mga pamilihan para sa spring festival sa iba't ibang lugar ng Tsina. Malakas ang kompinyansa ng mga mamimili ng Tsina.
Sa Guangzhou, isang lunsod sa dakong timog silangan ng Tsina, ang mga mangangalakal sa buong lunsod ay aktibong nakisangkot sa "happy shopping carnival, happy new year", isang akdibidad ng sales promotion na may pinakamalaking saklaw sa kasaysayan ng Guangzhou. At winewelkam ng mga mamimili ang akdbidad na ito. Sinabi ni Jiang Chao'e, isang taga-Guangzhou na :
"bumili ako ng mga damit, sapatos at iba pa at ang aking ina ay bahala sa mga paninda para sa kapistahan. "
At sa Shaan xi, isang lalawigan sa dakong kanluran ng Tsina, binuksan ang "2009 shaan xi new year shopping festival " sa pandaigdigang sentro ng eksibisyon sa dakong timog ng Xi an. Mahigit 10 libong paninda na inialok ng mahigit 600 bahay-kalakal mula sa iba't ibang lugar ng Tsina ang naka-display sa mahigit 500 booth sa loob ng sentro at mahigit 1000 metro kuwatradong open air nito. Habang papalapit ang Spring festival, para igarantiya ang suplay ng pamilihan, isinagawa ng departemento ng komersyo ng Shaan xi ang mga hakbangin para makatugon sa pangangailangan ng mga mamamayan. Isinalaysay ni Bi Pingyang, opisyal ng departemento ng komersyo ng Shaan xi na :
"Una, dapat igarantiya ang pag-suplay ng mga panindang may mahigpit na kaugnayan sa pamumuhay ng mga mamamayan. At ikalawa dapat igarantiya ang pangkagipitang pagsuplay ng ilang mahalagang paninda. "
|