Nalalapit na ang pinkamaringal na kapistahan ng mga mamamayang Tsino--- Spring Festival. Ayon sa tradisyon, ang kapistahang ito ay sandali para balik-tanawin ang nakaraang taon at tunghayan ang bagong taon. Kaya, taos-pusong inaanyayahan ng serbisyo Filipino ang inyong lahat na bumuto para piliin ang mga programa namin sa taong 2008 na nag-iwan ng pinakamalalim na impresyon at nakakaantig sa inyong husto. Maaring kang log on filipino.cri.cn o mag-sms sa 9212572397. Lahat ng mga kalahok ang makakatanggap ng mga espesiyal na alaala na mula sa Serbisyo Filipino ng CRI sa panahon ng Spring Festival.
Ayon sa tradisyonal na kalendaryong Tsino, sa Spring Festival, lahat ng mga mamamayang Tsino ang uuwi para sa family reunion at ito rin oras para sa mga mamamayang Tsino na balik-tanawin ang nakaraang taon at tunghayan ang bagong taon. Kaya, babalik-tanawin sa website na ito ang mga karanasan ng Serbisyon Filipino at mga tagapakinig sa taong 2008.
Alam ng lahat, ang Olympiada ay talagang pinakamalaking pangyayari para sa mga mamamayang Tsino sa taong ito, gayun din para sa Serbisyo Filipino. Sa panahon ng Olympic Games, inihandog namin ang maraming programa kapuwa sa pagsasahimpapawid at website at ang mga ito ay hindi lamang kasangkot sa paligsahan, kundi rin sa kuwento ng mga manlalaro, manood at mga karaniwang tao. Mayroong ba kayong mga di-makakalimutang alaala sa aming mga programa sa panahon ng Beijing Olympic Games? Para sa akin, bilang tanging mamamahayag ng Serbisyo Filipino sa pakisangkot sa palarong ito, ang pagpapalagayan namin ng delegasyong Filipino ay nag-iwan ng malalim na impresyon sa akin. Halimbawa, ang wonderful performance ni Mariane Mariano, bronze medal winner sa Wushu Tounament ay nakaukit sa aking isip.
Si Willy Wang ay kasamahan ni Mariane, ayon sa resulta ng pagboto sa aming website, siya'y nag-iwan ng pinakamalaking impresyon sa mga tagasubayabay dahil nakuha niya ang medalyang ginto sa Wushu Tornament sa Beijing Olympics, pakinggan natin ano ang sinabi niya pagkaraang makuha ang medalyang ginto.
Nang mabanggit ang Olympiada, dapat bigyan namin ang parehong pansin ang isa pang sports games na idinaos din sa Beijing, alalaong bagay na Beijing Paralympic Games. Sa panahong ng Paralympic Games, kinapanayam ko si Ads Dumapong, weightlifter ng Pilipinas, sinabi niyang may espesiyal na katuturan ang Paralympic Games para sa mga may kapansanan.
Hindi lamang para sa mga manlalaro, ang Olympiada ay isa ring maringal na kapistahan para sa mga mamamayang Tsino. Sinabi ng tagapakinig na si Andres sa website na ang tinig ng isang taga-Sichuan hinggil sa kanilang pag-asa sa Olympiyada ay nakaantig sa kaniyang damdaimn. Pakinggan natin muli ang boses na ito ng isang taga-Sichuan na si Tangli.
"Habang inihahatid ang Beijing Olympic Flames sa ibang lunsod, ang mga mamamayan sa iba't ibang lugar ang nag-abuloy sa Sichuan para tulungan kami laban sa malaking lindol. May malakas na kalooban ang mga taga-Sichuan, tiyak na puspusang magsisikap kami para sa rekonstruksyon ng tahanan. Bumati rin kami sa maalwang pagdaraos ng Olympiada."
Bukod sa pag-eenjoy sa kaligayahan ng pagdaraos ng Olympiada, nakaranas din ang mga mamamayang Tsino ng malaking kalungkutan. Naganap nooong Mayo ng taong ito sa lalawigang Sichuan ang super lindol na ikinamatay ng maraming kababayan. Sa harap ng kalamidad, agarang umaksyon ang mga mamamayang Tsino sa iba't ibang sirkulo ng lipunan, ipinakita ng sambayanang Tsino ang malibag na determinasyon laban sa lindol. Kabilang dito, gumawa ang mga sundalong Tsino ng malaking sakripisyo at ambag sa unang prente para mailigtas ang buhay. Bilang mamamahayag naipadala sa unang prente laban sa lindol, kinapanayam ko ang ilan sa kanila at hanggang sa kasalukuyan, di-sariwa pa ng sinabi ng isang babaeng sundalo. Ang araw nang kapanayamin ko siya ay kaarawan ng kaniyang anak na babae.
Kasabay nito, magkakahiwalay na nagbibigay-tulong sa nilindol na purok sa Sichuan ang komunidad ng daigdig na kinabibilangan ng Pilipinas. Bukod sa pagbibigay ng tulong sa kapuwa aspektong materiyal na ispirutuwal, nagpadala din ang ilang bansa ng propesyonal na rescum team o medical team sa nilindol na purok na kinabibilangan ng isang team mula sa ASEAN, alalaong bagay na Singaporean International Rescum Team. Salamat, Francis! Samalat sa lahat ng mga taong na nagbibigay ng tulong sa nilindol na Sichuan, pina-init ng inyong tulong ang puso ng mga apektadong mamamayang, hindi kailanma'y makakalimutan ng mamamayang Tsino ang inyong tulong sa sandali naming nasadlak sa napakahirap na kondisyon.
Bukod sa Olympiada at super lindol sa Sichuan, meron din mga naganap na iba pang dakilang pangyayari sa Tsina at sa relasyon ng Tsina't Pilipinas sa taong 2008. Salamat sa pagsisikap ng mga kawani ng Serbisyo Filipino, inirekord namin ang mga mahalagang sandali sa kasaysayan. Sa susunod na ilang minuto'y, babahiginan kayo ng mga kasamahan ko ng karanasan nila sa taong 2008.
Una, pakinggtan natin ang ulat ni Wangle, aming beauty reporter ng Serbisyon Filipino.Kinapanayam niya ang taunang sesyon ng NPC at CPPCC sa taong 2008.
Si Ernest ay isa pang kabataang reporter ng Serbisyo Filipino, nagkober siya sa ika-5 China-ASEAN Expo, pakinggan natin ano ang pinakmalalim na impresyon na iniwan sa kaniya ng karanasan niya bilang isang reporter.
Pakinggan natin ang karanasan n gaming isa pang reporter na si Wu Jing sa takbo ng pakikipagpanayam sa mga Filipinong mag-aaral dito sa Beijing sa panahon ng Pasko.
Bukod sa kawani ng serbisyo Filipino, nag-amabg din ang mga tagasubaybay para sa aming programa, narito ang isang lovely dialogue na ipinadala ng aming tagapakinig na sina xx at xxx para sa aming Espesiyal na palatuntunan sa Araw ng Pagsasarili ng Pilipinas.
Mga iba pang pangyayari:
Ika-30 anibersaryo sa reporma't pagbubukas ng Tsina.
Paglulusad ng Shenzhou VII Manned Spacecraft
|