Kamakailan, ipininid ang perya ng pag-oorder ng mga libro ng Beijing, kauna-unahang perya sa industrilya ng libro sa bagong taon. Sa 4 na araw, lumampas sa 2.5 bilyong Yuan RMB ang fixed price ng pag-oorder ng mga libro na lumaki ng halos 20% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon. Ipinalalagay ng may kinalamang tauhan na positibo ang kabuuang kalagayan ng industriya ng librong Tsino, samantala, kinakailangan nitong pigilin ang epektong dulot ng pandaigdigang krisis na pinansyal.
May 4 na taong kasaysayan ang perya ng pag-oorder ng mga libro. Sa taong ito, bagama't kinakaharap ang pandaigdigang krisis na pinansyal, masigla pa ang peryang ito. Dumalo sa perya ang mahigit 600 palimbagan sa loob at labas ng bansa na may dalang mahigit 150 libong bagong libro.
Isinalasaysay ni Sun Qiao, namamahalang tauhan ng Oriental Audio and Video Digital Publishing House, na ang mga libro hinggil sa pamamahalang pangkabuhayan ay kanilang pokus. Hindi magpapaliit sila ng bolyum ng paglilimbag ng mga ito.
"Naapektuhan nang malaki ng krisis na pinansyal ang industriya ng paggawa, ngunit, para sa industriya ng paglilimbag, posibleng ito ang pagkakataon. Kasi, posibleng mas aktibo ang mga tao sa pag-aaral. Umangkat kami ng copyright ng mga librong dayuhan at tumulong sa mga bahay-kalakal na matuto ng karanasan ng mga bahay-kalakal na dayuhan. Mabiling-mabili ang mga libro hinggil sa pamamahalang pangkabuhayan."
Sinabi ni Wang Lei, isang direktor ng China Machine Press, na mula noong huling dako ng nakaraang taon, inilathala nila ang 7 o 8 uri ng aklat hinggil sa krisis na pinansyal. Anya, ngayong panahon ang mabuting pagkakataon para sa magpakahusay ang mga bahay-kalakal o mga indibituwal.
"Kapag mabilis ang pag-unlad ng kabuhayan, malaki ang konsumo ng mga tao. Ngayon, kinakaharap ang krisis na pinansyal, ito ang mabuting panahon para sa pagbabasa. Kinakailangan ngayon ng mga tao ang mga librong makapagpalubag at makapagpasigla ng loob. Ngayon ang mabuting pagkakataon para sa amin."
Ipinalalagay ni Hu Daqing, isang direktor ng Zhonghua Book Company, na walang humpay na nangasilputan ang iba't ibang uring krisis sa kasalukuyang lipunan, kinakailangang isipin ng mga tao ang epekto ng aktibidad nila sa kalikasan at lipunan at nakatawag ng pansin ang mga libro hinggil dito.
"Ang mga bagay-bagay na dala ng krisis ay nagtulak sa mga tao sa malalimang pag-aaral sa kanilang asal. Kinakailangang mag-isip ang mga tao hinggil sa kanilang ginugusto. Sa mga tradisyonal na kulturang Tsino, may mga ideya ang nagpapaliwanag kung papaanong makakapagpigil ng labis na ginugusto at aayusin ang sarili, huwag abusuhin ang natural na kalikasan."
Sa 2009, kung aling uri ng libro ang magiging popular? Mahirap na itaya. Ngunit, may komong palagay ang industriya ng libro: dapat magpakahusay para makatugon sa pangangailangan ng mga mambabasa at magkaloob ng mabuting serbisyo para sa kanila.
Sumang-ayon dito si Tony Parsons, kilalang manunulat ng Britanya. Sinabi niyang mananatiling mabiling-mabili ang mga librong may mabuting kalidad.
"Ito nga ang mahirap ng panahon, tumataas ang unemployment rate. Ngunit, mahilig ang mga tao sa pagbabasa. Sa mahirap na panahon, mahilig ang mga tao sa pagbabasa, kasi kinagigiliwan ng mga tao ang de-kalidad na libro. Optimistiko ako sa pamilihan."
Optimistiko rin si Tan Yue, Board Chairman ng Jiangsu Phoenix Publishing and Media Group, sa pag-unlad ng industriya ng libro. Ipinalalagay niyang dahil sa pagtaas ng presyo ng papel, lumiliit ang tubo ng mga palimbagan. Ngunit, hindi tatagal ito. Kasi, mabilis ang pagrere-organisa at pagsasaayos ng yaman sa industrilya ng paglilimbag at dumating na ang estratehikong pagkakataon para sa pag-unlad ng industrilya ng paglilimbag.
"Para sa mga bahay-kalakal na handa na para rito, ito ang mahalagang pagkakataon. Dati, kulang ang mga bahay-kalakal sa kasiglahan para sa pagrere-organisa at pagsasaayos. Ngayon, andyan na ang kondisyong panlabas para rito."
|