Noong nagdaang taon ay ika-30 anibersaryo sa pagsasagawa ng reporma at pagbubukas ng Tsina at isang nakayanig-daigdig na pagbabago ang naganap sa Tsina. Kasabay nito, komprehensibong umuunlad ang relasyong pangkooperasyon at pangkaibigan ng Tsina at iba't ibang bansang Apriko at ang kooperasyong pangkalusugan ng Tsina at Aprika ay nagsisilbing pundasyon ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang panig. Ang ilampung grupong medikal ng Tsina sa Aprika ay aktuwal na nagpapakita ng ganitong mainam na kooperasyon.
Noong 1963, pumunta sa Algeria ang grupong medikal ng Tsina para magsagawa ng gawain at ito'y unang grupong medikal ng Tsina na ipinadala sa Aprika para magkaloob ng tulong na pangkalusugan. Mula noon, nagsimulang magkaloob ang Tsina ng serbisyong makatao sa mga umuunlad na bansa na kinabibilangan ng mga bansang Aprikano at ito naman ay pasimula ng kooperasyong pangkalusugan ng Tsina at mga bansang Aprikano. Inilahad ni Wang Liji, pangalawang puno ng kawanihan ng kooperasyong pandaigdig ng Ministring Panlusog, ang kalagayan ng ganitong grupong medikal. Sinabi niya na
"Noong panahong iyon, kulang na kulang ang Tsina sa mga tauhang medikal. Datapuwa't upang katigan ang mga umuunlad na bansa, ipinasiya naman ng pamahalaang Tsino na magpadala ng mga grupong medikal sa mga umuunlad na bansa na kinabibilangan ng mga bansang Aprikano at sa loob ng 45 taon, hindi kailanman'y tumigil ang aksyong ito ng Tsina."
Noong nakaraang 45 taon, pumunta sa 69 na bansa at rehiyon ng Asya, Aprika, Latin Amerika, Eruopa at Oceania ang mahigit 20 libong person-time na tauhang medikal ng Tsina at ginamot nila ang 250 milyong person-time na maysakit. Sa kasalukuyan, may 50 ganitong grupong medikal at 1278 tauhang medikal ang Tsina sa 48 bansa sa daigdig at sa mga ito, halos 980 tauhang medikal ay nagkakaloob ng serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayang Aprikano sa mahabang panahon.
Napanaigan ng naturang tauhang medikal ng Tsina sa Aprika ang mga kahirapan sa pamumuhay, gawain at wika at nagkaloob ng matapat at walang pag-iimbot na pagtulong sa mga mamamayang Aprikano. Bukod dito, aktibong tinulungan nila sila sa pagpunta sa Tsina ng mga tauhang medikal ng Aprika para tanggapin ang pagsasanay.
Tinulungan naman ng mga tauhang medikal ng Tsina ang paghubog ng serbisyong pangkalusugan ng lokalidad at napasulong ang pagpapataas ng teknolohiyang pangkalusugan. Labis na pinapurihan sila ng mga tauhang medikal ng lokalidad. Sinabi ni doktor Moliu A. Jape ng Tanzania na
"Mapagkaibigan at masipag ang mga doktor ng Tsina. Natuto kami sa kanila ng mga kaalaman. Mahusay silang lahat at magkakapamiliya kami ng mga tauhang medikal ng Tsina. Umaasa kaming lalalim nang lalalim ang pagkakaibigang ito."
Ang mga tauhang medikal ng Tsina'y malawak na pinapurihan ng mga pamahalaan at mamamayan ng lokalidad. Sinabi ng isang maysakit na
"Mahusay at masikap ang mga tauhang medikal ng Tsina. Ginamot nila kami at nagpadala ng mga gamot sa amin. Salamat sa kanila."
Ang kooperasyong pangkalusugan ng Tsina at mga bansang Aprikano ay ipinakikita naman sa iba pang mga larangan. Noong 1987, nilagdaan ng Tsina at Tanzania ang kasunduan para walang bayad na magkaloob ng serbisyo sa tradisyonal na medisinang Tsino sa paggamot ng AIDS. Nitong ilang taong nakalipas, espesyal na pinalakas ng pamahalaang Tsino ang pakikipagtulungan sa mga bansang Aprikano sa paghubog ng tauhang medikal. Bukod sa patuloy na pagkakaloob sa mga bansang Aprikano ng pagsasanay sa larangan ng tradisyonal medisinang Tsino at pag-iwas at paggamot sa malaria, nagbibigay-tulong ang pamahalaang Tsino sa kanila sa pangangasiwang panlusog, pagkontrol sa nakahahawang sakit at iba pa.
Pumasok sa bagong siglo, lalo na pagkaraan ng Beijing Summit ng Porum ng pagtutulungan ng Tsina at Aprika noong 2006, tiniyak ng pamahalaang Tsino ang patakaran ng komprehensibong pagpapalakas ng pagtulong sa mga bansang Aprikano. Sa summit na ito, ipinatalastas ni Pangulong Hu Jintao ng Tsina ang mga hakbangin para mapasulong ang kooperasyon ng Tsina at Aprika sa iba't ibang larangan na kinabibilangan ng pagtatayo ng 30 ospital sa Aprika at pagkakaloob ng 300 milyong yuan RMB para tulungan ang pag-iwas at paggamot ng malaria.
|