• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-02-04 10:39:12    
Bagong taon, bagong hangarin

CRI

Ang ika-26 ng noong nagdaang buwan ay spring festival,pinakamahalagang trandisyonal na kapistahan ng Tsina at mula noong araw na iyon, ang Tsina ay pumasok sa taon ng baka. Sa tingin ng mga mamaamyang Tsino, ang baka ay nagpapahiwatig ng mga namumukod na katangian na gaya ng katatagang-loob, kasipagan at kagitingan. Saka ito ay kinagigiliwan ng mga mamamayang Tsino. Noong nagdaang taon, nakaranas ang Tsina ng maraming kalamidad at hamon na gaya ng grebeng kalamidad ng niyebe, pagyeyelo at pag-ulan, malakas na lindol sa Wenchuan at pandaigdig na krisis na pinansiyal, kaya sa panahon ng pasimula ng isang bagong taon, nagpahayag ang mga mamamayang Tsino ng bagong pag-asang magiging matatag ang bansa at mayaman ang mga mamamayan sa pamamagitan ng iba't ibang uri ng aktibidad na kultural.

Nang dumating ang mga mahalagang kapistahan, ang mga museo ay isa sa mga purok na gustong-gustong puntahan ng mga mamamayan. Upang salubungin ang taon ng baka, idinaos ng Beijing Museum, isa sa mga pinakamalaking museo ng Beijing, ang 2 pagtatanghal para magpakita ng kaugalian ng spring festival at kultura ng baka sa tradisyonal na kulturang Tsino sa pamamagitan ng ilang daang relikyang may kinalaman sa baka.

Kasabay nito, espesyal na idinaos ng National Art Museum at Art & Crafts Association ng Tsina ang pagtatanghal na may kinalaman sa baka. Inilahad ni Yang Bingyan, pangalawang puno ng nabanggit na museo, na

"Namimitagan ang Nayong Tsino sa baka, dahil ito'y simbol ng kasipagan para sa agrikultural na bansa. Sa pamamagitan ng aming pagtatanghal, umaasa kaming magiging mas masagana at malakas ang aming bansa sa taon ng baka."

Noong nagdaang taon, nakaranas ang Tsina ng maraming kalamidad at hamon na gaya ng grebeng pananalasang dulot ng niyebe, pagyeyelo at pag-ulan, malakas na lindol sa Wenchuan at pandaigdig na krisis na pinansiyal, datapuwa't kasabay nito, natamo naman ang mga bunga na karapat-dapat na ikarangal ng mga mamamayang Tsino na gaya ng magatumpay na pagdaraos ng Beijing Olympic Games at pagtupad ng kauna-unahang space walk ng Tsino. Kaya sa bagong taon, umaasa ang mga mamamayang Tsino na magkakaroon ng matatag na pamumuhay at mananatiling mabilis ang pag-unlad ng bansa. Ipinalalagay ni Wang Shan, pangkalahatang kalihim ng nabanggit na asosyasyon, na kung pipiliin ang isang uri ng hayop bilang simbol ng magandang hangarin ng mga mamamayang Tsino, ang baka ay isa sa mga pinakamabuting pagpili. Sinabi niya na

"Ang baka ay hindi lamang nagpapakita ng puwersa ng pagpupunyagi, kundi sumasagisag ng magandang hangarin ng mga mamamayang Tsino sa kabuhayan, lipunan at kultura. Lalo na sa kasalukuyang panahon ng panghihina sa kabuhayan, mas marubdob na umaasa ang mga Tsino na magpapahayag ng isang pag-asa sa pamamagitan ng isang uri ng hayop, kaya sa aming tingin, ang baka ay nagsisilbing isang angkop na pagpili."

Ipinalalagay ni Bai Gengsheng, kilalang dalubhasang Tsino sa pananaliksik sa kaugalian ng bayan, na noong nakaraang ilang libong taon, ang baka ay, sa mula't mula pa, matalik na kaibigan ng mga Tsino at may mahalagang katayuan ito sa kulturang Tsino. Sinabi niya na

"Ang Nasyong Tsino ay isang nayong agrikultural at para sa ganitong nasyon, ang baka'y pinakamahalagang puwersang produktibo bukod ng mga tao, kaya ang baka ay nagkakaroon ng mahalagang katayuan sa kulturang Tsino. Kasabay nito, ang baka, sa tingin ng mga Tsino, ay laging nagbibigay ng pag-asa ng masaganang ani sa mga tao, kaya may malalim na damdamin ang mga mamamayang Tsino sa baka at puno ng magandang hangarin."

Sa wikang Tsino, ang "Niu" ay nanganghulugan ng baka at sa panahon ng spring festival, nagbabatian ang mga tao sa pamamagitan ng "e-message" na isinama ang karekter na "Niu".

Ang bikas ng karekter na "Niu" sa wikang Tsino ay kapareho ng "new" sa Ingles. Dahil dito, sinadya ng mga taong pinalitan ng "niu" ang "new" sa kanilang "text message". At sa gayo'y ang "Happy New Year" ay naging Happy niu year. Ang pagbabagong ito ay hindi lamang naghahatid ng masiglang atmospera sa pagbati sa bagong taon, kundi naghihiwatig ng maaliwalas na kinabukasan sa bagong taon. At ito ay naging isang kawili-wiling may katangiang Tsinong anusyo.