Kaugnay ng gagawing pagdalaw ni pangulong Hu Jintao ng Tsina sa Tanzania, kauna-unahang pagdalaw ng puno ng estado ng Tsina sa bansang ito nitong 45 taong nakalipas, ipinahayag kamakailan ni Liu Xinsheng, embahador na Tsino sa Tanzania, na ang pagdalaw na ito ay magiging muhon sa kasaysayan ng relasyon ng dalawang bansa.
Sinabi ni Liu na mainam na umuunlad ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Tanzania at ipinalalagay niyang ang pagdalaw na ito ay ibayo pang magpapasulong ng relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai
|