• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-02-10 16:38:27    
Wu Poh-hsiung, Evergreen Tree sa pulitika ng Taiwan

CRI

Noong Mayo ng nakaraang taon, nang lumitaw sa Taiwan Straits ang positibong pagbabago ng relasyon ng magkabilang pampang, pinamunuan ni Wu Poh-hsiung ang delegasyon na dumalaw sa mainland ng Tsina para mapasulong ang ibayo pang pagpapalitan at diyalogo ng Partido Komunista Tsina (CPC) at Kuomintang ng Tsina. Sa halalan ng Taiwan noong 2008, nagwagi ang Kuomintang na pinamumunuan niya at ngayon, siya ang tagapangulo ng Kuomintang ng Tsina.

Isinilang ang 70 taong gulang na si Wu Poh-hsiung sa isang pamilyang pulitikal. Nanungkulan siya noon na puno ng bayan ng Taoyuan ng Taiwan, alkalde ng lunsod ng Taipei, pangkalahatang kalihim ng Kuomintang. Tinawag siya na "Evergreen Tree sa pulitika ng Taiwan".

Noong 2007, bilang unang pangalawang tagapangulo ng Kuomintang, lumahok si Wu Poh-hsiung sa halalan ng Kuomintang at nagwagi siya. Sa susunod na taon, nagwagi ang Kuomintang sa halalan ng Taiwan. Pagkatapos ng halalan, sinabi ni Wu na dahil sa pagkatig ng mga mamamayan ng Taiwan, mainam ang kalagayan ng Kuomintang. Kaya, pamumunuan niya ang Kuomintang na magsikap para sa kapakanan ng mga mamamayan ng Taiwan. Sinabi niyang:

"Sa Taiwan, ang mga mamamayan ang pinakamahalaga para sa amin. Pangangalagaan at pasasalamatan sila namin. Nananalig akong matatamo namin ang mas maraming pagkatig ng mga mamamayan."

Ipinalalagay ni Wu na lubos na inaantabayanan ng mga mamamayang Taiwanese ang mapayapang pag-unlad ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits. Anya, inilist na sa plataporma ng lapian ng Kuomintang ang limang komong palagay na narating nina dating tagapangulong Lien Chan ng Kuomintang at pangkalahatang kalihim Hu Jintao ng Komite Sentral ng Partido Komunista Tsina (CPC). Magsisikap sila para mapasulong ang mapayapang pag-unlad ng magkabilang pampang.

"Umaasa ang mga mamamayang Taiwanese na mapayapa ang magkabilang pampang. Pinatutunayan ng halalan na kinakatigan ng higit na nakararaming mamamayan ang direksyon ng aming Kuomintang. Ito ang mabuting pagkakataon. Tatahak kami sa direksyong ito para ibayo pang mapabuti ang relasyon ng magkabilang pampang."

Noong Mayo ng nakaraang taon, sinimulan ni Wu ang kanyang kauna-unahang pagdalaw sa Mainland ng Tsina. sa Beijing, nag-usap sila ni Pangulong Hu Jintao ng Tsina at malalimang nagpalitan sila ng palagay hinggil sa pagpapasulong at pagpapabuti ng relasyon ng magkabilang pampang. Hinggil sa pag-usap na ito. Sinabi ni Wu na:

"Nadarama ko ang kabaitan ng Mainland, lalong lalo na, tinatunghayan ni Pangulong Hu ang relasyon ng magkabilang pampang makro at pangmalayuang pananaw sa angkulo ng kasaysayan. Sinabi ni Hu na, 'kung itatatag ang pagtitiwalaan sa pagitan ng magkabilang panig, susundin ang 1992 consensus, madali ang pag-usap-usapan hinggil sa iba pang bagay.' Magsimula sa mga bagay na madaling lutasin, mula kabuhayan hanggang sa pulitika. Kaya maliwanag na sinabi ni pangulong Hu na, 'una, manunumbalik ang sistema ng koordinasyon ng Straits Exchange Foundation at Association for Relations Across the Taiwan Straits sa lalong madaling panahon.'"

Sa panahon ng kanyang pagdalaw, Buong pagkakaisang binigyang-diin ng Kuomintang at CPC na dapat bumatay sa 1992 consensus, ibimbin ng magkabilang pampang ang pagkakaiba at magkasamang likhain ang double win.

Sa taong ito, matatapos ang termino ni Wu bilang tagapangulo ng Kuomintang. Bilang isang budista, maraming beses na ipinahayag niyang lilisan siya ng pulitika at babalik sa sirkulo ng budista at patuloy na isasagawa ang mga mapagkawanggawang aktibidad na budista. Dahil sa kanyang kaibuturan ng puso, ang budista ang pinal na pinag-uuwian niya.