• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-02-10 16:41:46    
Tsina, pangangalaga sa mga town at nayong historikal at kultural

CRI

Ginawaran kamakailan ang 94 na nayong Tsino ng titulo bilang kilalang town at nayong historikal at kultural ng Tsina. Hanggang sa kasalukuyan, ang bilang ng mga ito ay umabot sa 251 at ito'y palatandaan ng pagbuo ng sistema ng Tsina sa pangangalaga sa mga kilalang town at nayong historikal at kultural. Sa proseso ng mabilis na pag-unlad ng mordenong lipunan, ang isyung kung papaanong pangangalagaan ang trandisyonal na pamanang kultural sa kanayunan ay palaging pokus na pinagtutuunan ng pansin ng iba't ibang sirkulo ng lipunang Tsino.

Ang town ng Yangliuqing ng Tainjin sa dakong hilaga ng Tsina ay inilakip sa ika-4 na grupo ng mga kilalang town at nayon na historikal at kultural. Mahaba ang kasaysayan nito at kilala ang mga block printed New Year picture nito sa loob at labas na bansa. Sa trandisyonal na kaugaliang Tsino, ang nabanggit na larawan ay di-nawawalang palamuti para sa spring festival at ito naman ang kakanggata at isa sa mga carrier ng kulturang Tsino. Halos 400 taon na ang gayong uring larawan ng Yangliuqing at ito'y hindi lamang kinatawan ng kultura ng ganitong larawang pangkapistahang pantagsibol sa dakong hilaga ng Tsina, kundi may malalim na epekto sa arteng ito sa iba pang purok ng Tsina. Bukod dito, mayaman at makukulay din ang sining ng bayan ng Yangliuqing na gaya ng brick carving, saranggola at carved stone.

Lumahok sa pagpili ng mga kilalang town at nayon si Hou Weidong, punong inhinyero ng Academy of Cultural Heritege ng Tsina. Inilahad niya na alinmang town at nayon, kung may mayamang preserbadong relikya, nagkakabit-kabit na arkitekturang historical na nasa mabuting preserbasyon o nakapagpapakita ng katangiang kultural at panlahi sa lokalidad, ay makakapag-aplay para isama sa listahan ng mga kilalang town at nayon na historikal at kultural, sinabi niya na(sound)

"Kung may isang nayon ang gustong bigyan ng titulo, ang mga sinaunang pabahay na reisdensiyal sa loob ng nayong ito ay dapat umabot sa kinakailangang bilang at saklaw at dapat itong may sarili nitong katangiang iba sa ibang purok."

Ang mga town at nayong may ilang daang taong kasaysayan ay nagpapakita, hindi lamang ng historikal na proseso at pagbabago ng mga ito sa nagkakaibang purok at lahi sa nagkakaibang bahagi ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, kundi ng estilo at mahusay na sining ng mga trandisyonal na arkitektura at trandisyonal na kaugalian ng bayan. Kaya ang mga town at nayong ito ay karapat-dapat na pangalagaan at pag-aralan. Ang pagpili sa mga ito ay magkasanib na itinatangkilik ng Pambansang kawanihan ng mga relikya at Ministri ng pabahay at konstruksyong urban-rural ng Tsina. Nagsisikap ang Tsina para itatag ang sistema ng pangangalaga sa mga kilalang town at nayon

Inilahad ni Tong Mingkang, pangalawang puno ng kawanihan ng relikya na

"Sapul noong 2003, isinasagawa naming dalawang departamento ang 4 beses na gayong aktibidad sa pagpili ng mga ito at inisiyal na nabuo ang sistema ng pangangalaga sa mga ito at kapansin-pansing bumubuti ang pangkalahatang kalagayan ng naturang mga kilalang town at nayon."

Kasabay nito, Ipinahayag ni Qiu Baoxing, pangalawang Ministro ng pabahay at konstruksyong urban-rural, na ang mga kilalang town at nayon ay nagsisilbing mahalagang bahagi ng pamanang kultural at historikal ng Tsina. Sinabi niya na

"Ang pangangalaga at pagpapaunlad sa mga kilalalng town at nayon ay gaganap ng mahalagang papel sa pagpapatuloy ng mahusay na kultura at kasaysayan ng ating bansa at pagpapasulong ng pag-unlad ng lipunan at kabuhayan ng lokalidad."

Noong Hulyo ng nagdaang taon, sinimulang isagawa ng Tsina ang regulasyon ng pangangalaga sa mga kilalang town at nayong historikal at kultural para palakasin ang resposibilidad ng mga pamahalaan sa iba't ibang antas sa pangangalaga sa mga ito. Kapwang ipinahayag ng naturang dalawang departamento na walang humapy na pabubutihin ang sistema ng regulasyon sa pangangalaga sa mga kilalang town at nayong, unti-unting itatatag sistema ng pagsusuperbisa at pangangasiwa at pabubutihin ang sistema ng serbisyo at pagkatig na teknikal para pasulungin ang malusog at sustenableng pag-unlad ng mga kilalang town at nayon sa modernong lipunan.