• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-02-10 17:18:11    
Hu Jintao, nagsimula ng pagdalaw sa 4 na bansa ng Asya at Aprika

CRI
Ngayong tanghali, sakay ng natatanging eroplano, si pangulong Hu Jintao ng Tsina ay luminsan ng Beijing papunta sa Saudi Arabia, Mali, Senegal at Tanzania at Mauritius para sa dalaw-pangestado doon. Ang 8 araw na pagdalaw sa 5 bansa ng Asya at Aprika ay unang pagdalaw sa ibayong dagat ng pangulong Tsino sa bagong taon.

Nang kapanayamin siya ng mamamahayag kamakailan, mataas na pinahahalagahan ang relasyon ng Tsina at naturang 5 bansa ni Zhai Jun, asistende ng ministrong panlabans ng Tsina. Hinggil sa layunin ng pagdalaw na ito, ipinahayag niyang:

"umaasa ang Tsina na sa pamamagitan ng pagdalaw na ito, patitibayin ang estratehikong relasyong pangkaibigan ng Tsina at Saudi Arabia, pasusulungin ang kooperasyon ng Tsina at Gulf Cooperation Council o GCC, pasusulungin ang pagsasakatuparan ng bunga ng Beijing Summit ng Porum ng kooperasyon ng Tsina at Aprika, lalo pang palalalimin ang bagong estratehikong partnership ng Tsina at Aprika, at palalakasin ang pangkaibgiang pakikipagkooperasyon sa 4 na bansa ng Aprika para pasulungin ang komong pag-unlad."

Sinabi ni Zhai Jun na sa kasalukuyan, nananatiling kumakalat ang epekto ng pandaigdigang krisis na pinansyal at kinakaharap ang malaki nang malaking hamon ng mga umuunlad na bansang kinabibilangan ng Tsina, Saudi Arabia at iba pang bansang Aprikano. Sa panahon ng pagdalaw, ang magkasamang pagharap sa krisis na pinansiyal ay magiging isa sa mga mainit na tema ni Hu Jintao at mga lider ng naturang 4 na bansa.

Binigyan-pansin ng komunidad ng daigdig ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Aprika, hinggil dito, Sinabi ni Xu Wei zhong, pangalawang puno ng surian sa Asya at Aprika ng China Institutes of Contemporary International Relations o CICIR, na ang relasyon ng Tsina at Aprika ay pumasok na yugto ng komprehensibong pag-unlad. Binigyan-diin niyang ang Mali, Tanzania, Senegal at Mauritius ay hindi masagana sa yaman at enerhiya, at ito ay lubos na nagpapakitang ang kooperasyon ng Tsina at Aprika ay hindi kooperasyon na tangi sa yaman at enerhiya lamang. Ang kooperasyon sa yaman at enerhiya ay isang bahagi lamang ng koopersyon ng Tsina at Aprika ngunit ito ay hindi lalaht ng nilalaman nito.

Ipinahayag ni ZhaiJun na ang pandaigdigang krisis na pinansiyal ay nagdulot ng ilang epekto sa pagtutulungan ng Tsina at Aprika. At lubos na pinahahalagahan ito ng Tsina at isinasagawa ang isang serye ng hakbangin para palakasin ang pakikipagkoopersyon sa mga bansang Aprikano para magkasamang harapin ang mga hamon.

"Magsisikap ang Tsina para isakatuparan ang 8 pangako na ipinatalastas ni pangulong Hu Jintao ng Tsina, at patuloy na eekorahehin at kakatigan ang mga bahay-kalakal ng Tsina na mag-negosyo sa mga bansang Aprikano, at nananalig kaming sa ilalim ng magkasamang pagsisikap ng dalawang panig, tiyak na maalwang harapin ng Tsina at Aprika ang pandaigdigang krisis na pinansiyal."

Ipinalalagay ni Xu na ang pagpapalakas ng pakikipagkooperasyon sa mga umuunlad na bansa ay hindi lamang angkop sa interes ng Tsina, kundi rin angkop sa interes ng mga umuunlad na bansa. Ipinahayag niyang ang pagdalaw ni Hu ay maikli ngunit ito ay tiyak na magdudulot ng malaking epekto sa kooperasyon ng Tsina at mga umuunlad na bansa.

Salin:Sarah