Nag-usap kahapon sa Riyadh sina pangulong Hu Jintao ng Tsina at hari ng Saudi Arabia. Ipinahayag ng magkabilang panig na palalalimin ang estratehikong relasyong pangkaibigan ng dalawang bansa at magkasamang haharapin ang krisis na pinansiyal at palalakasin ang kanilang pagsasanggunian at pagkokoordinahan sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig para walang humpay na mapataas ang kanilang relasyon sa bagong lebel.
Sa pagtatagpo, tinukyo ng pangulong Tsino na sa kasalukuyan, nasa pinakamabuting panahon ang relasyon ng Tsina at Saudi Arabia sa kasaysayan. Pinahahalagahan ng panig Tsino ang ginagawang mahalagang papel ng Saudi Arabia sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan, paggarantiya sa seguridad ng enerhiyang pandaigdig at iba pang aspekto.
Ipinahayag naman ng hari ng Saudi Arabia ang kahandaang palakasin ang pagtutulungan nila ng panig Tsino sa iba't ibang larangang gaya ng kabuhayan at kalakalan at malalimang magpalitan ng kuru-kuro hinggil sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapwa nila pinahahalagahan.
Pagkatapos ng pag-uusap, magkasamang dumalo ang dalawang lider sa seremonya ng paglalagda. Lumagda ang magkabilang panig sa limang kasunduang pangkooperasyon na may kinalaman sa enerhiya, kalusugan, kuwarantenas, komunikasyon at kultura.
Salin: Li Feng
|