Sa kanluran ng Tiananmen Square, nakatayo ang pinakamalaking komprehensibong museo ng Beijing-Capital Museum China. Ang sentral na bulwagan nito ay pinakamalaki sa daigdig na mahigit 2 libong metrong parisukat ang saklaw at 34 na metro ang taas. Ang pangalawang puno ng museong ito ay isang batang babae na si Yao An, dating pangalawang puno ng parke ng Temple of Heaven. Marunong siya't mahinhin ang disposisyon. Hinubog niya ang kanyang pagkatao ng sining at hinahangad niya na hubugin ng mga bisita ang pagkaunawang pansining sa pagdalaw sa kanilang eksibisyon.
Noong ika-8 dekada ng nakaraang siglo, pagkatapos ng kanyang pag-aaral ng wika ng Manchu, isang pambansang minoriya ng Tsina, sa Minzu University of China, nagtrabaho si Yao An sa parkeng Temple of Heaven. Ang Temple of Heaven ay banal na lugar para sa pag-aalay ng mga emperador ng Ming at Qing Dynasty ng Tsina ng sakripisyo. Dahil ang mga emperador ng Qing Dynasty ay Manchu, nakakatulong sa kanyang gawain ang pinag-aralan ni Yao An sa unibersidad. Nagsaayos sila ng kanyang mga kasama ng mahigit 30 matandang music book para sa pagsa-sacrifice at pinapanumbalik nila ang Shen Yue Shu, lugar ng pagsasanay ng pagtutugtog. Hinggil sa bungang ito, may marami siyang gustong sabihin:
"Noong 2000, pinapanumbalik namin ang Shen Yue Shu. Ilang taon na ang nakalipas, nang sariwain ito ngayon, ipinalalagay naming karapat-dapat ang ginawa mamin ito. Dahil mula noon 1991, nagsimula na kaming isaayos ang mga data ng Shen Yue Shu na kinabibilangan ng mga data hinggil sa mga matandang musika. Inisip ko noo'y, kung makakatugtog ang mga musiko ng mga musikang ito isang araw, ano ang tagpong iyon na naguguniguni ninyo? At natupad ang pangarap na ito pagkaraan ng 10 taon. "
Ang Temple of Heaven ay isa sa mga World Cultural Heritage. Bukod sa pagsasaayos ng mga music book. Nakasulat si Yao An ng maraming akda para isalaysay ang hinggil sa gusali, kultura at musika ng Temple of Heaven.
"Nagugustuhan ko ang Temple of Heaven. Ang pumasok ako ng parkeng ito mula sa labas, biglang tahimik ang lahat. Dama ko na ang Temple of Heaven ay paraiso na nilikha ng mga sinaunang tao sa mundo. Ang pagpapakilala nito sa ibang tao ay mapalad na bagay para sa akin."
Dahil sa kanyang mahusay na gawain, bago buksan ang Capital Museum China noong 2005, ipinadala si Yao An doon para organisahin ang mga bagong eksibisyon. Inihandog ng Capital Museum China ang maraming pagtatanghal na kultural at pangkasaysayan sapul noong 2005 at natamo ang mabuti at mainit na pagtasa ng mga tao. Lalong lalo na, noong panahon ng 2008 Beijing Olympic Games, iniorganisa ng museong ito ang 5 malaking pagtatanghal na panloob at panlabas. Ang "Memorya ng Tsina-Pagtatanghal ng mga Hiyas ng 5000 taong kabihasnan" ay naging rekord sa kasaysayan. Bilang punong namamahalang tauhan ng eksibisyong ito, sinabi ni Yao An na ang kanyang gawain ay iniayos lamang ang pagsisikap ng iba't ibang departemento ng kanyang museo.
Hinggil sa Capital Museum China, umaasa si Yao na padadamahin nito ang mga tao na isa itong lugar na mas malapit sa puso nila.
"Mahilig ako sa moda. Umaasa akong may kaugnayan ang museo sa moda. Nagugustuhan din ko ang eksibisyon pambabae at magsisikap ako para mapasulong ang ganitong eksibisyong pambabae at pambata. Dapat padamahin ng museo ang mga tao na lipos ito ng atmoseprang pansining at ang mga bagay-bagay sa loob nito ay malapit sa puso ng mga tao at makakaakit ito ng buong pamilya at lahat ng mga tao. Ang mga matanda, bata, estudyante at babae ay makakahanap dito ng kanilang ginugusto."
Hinggil sa kanyang ideya ng pag-oorganisa ng mga pagtatanghal, sinabi ni Yao An na ang layunin ng kanilang gawin ay pagpapataas ng lebel ng pamumuhay ng mga tao.
"Sa Temple of Heaven man o sa museo, sa palagay ko, ang tungkulin ng aming industriya ay pagdaragdag ng kulay sa pamumuhay ng mga tao. Halimbawa, nang pumasok ka sa Temple of Heaven, makakadarama ka ng pakikisalamuha ng mga tao sa kalikasan. Kung totoong magkakaroon ka ng gayong damdamin, ang ibig sabihin nito'y ang inyong pamumuhay ay umabot na sa isang bagong lebel."
|