Ang Ilog Guichun ay isang boundary river na dumaraan ng Daxin County ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, Tsina at Ha Lang County ng Lang Son, Biyetnam. Sa artikulong ito, ibabahagi namin sa inyo ang kuwento hinggil sa isang restauran na malapit sa Ilog Guichun na nagtatampok sa mga nakakaing ligaw na damo o potherbs.
Ang may-ari ng nasabing restaurant ay si G. Ling Chongjie, taga-nayong Aijiang ng Daxin County, Guangxi.
Bago pang pumasok sa restauran, nalanghap na ng mamamahayag ang bango ng mga lutuin at narinig na ang paghuhuntahan. Pagpasok ng restauran, nakita ang ilang lalaki sa katamtamang gulang na nagsasalu-salo at sa kanilang paghuhuntahan, may pinaghalong salitang Biyetnames. Mainit na tinanggap kami ng ama ng restauran na si Liang Liqun. Sinabi niya sa amin na:
"Ang lahat ng aming isinisilbing pagkain ay kinukuha sa Biyetnam na kinabibilangan ng mga nakakaing ligaw na damo, manok, isda at iba pa."
Habang naghihintay ng mga putahe, kasabay ng pag-enjoy ng tanawin ng Ilog Guichun at tawain ng nayong Biyetnames sa kabilang pampang, nakipag-usap ang mamamahayag sa mga parokyanong lokal. Ganito ang sinabi ng isa sa kanila na si G. Hu.
"Madalas na nagdadalawan kami ng mga taga-nayong Biyetnames ng kabilang pampang. Umiinom kami ng tsaa o alak. Nagsasalita rin sila ng wika ng lahing Zhuang. Hindi namin kinakailangan ang permiso ng pagpasok-labas ng hanggahan at sasakay lamang kami ng bamboo boat kung gusto naming bisitahin sila."
Sinabi ni Ate Liang na 3 kilometro lamang ang layo ng kanyang nayon sa trans-boundary Detian Waterfall at salamat dito, kasiya-siya ang negosyo ng kanyang 6-taong gulang na restauran. Sabi niya na sa mga high peak season, ang bilang ng kanyang mga tinatanggap na parokyano bawat araw ay nakakaabot sa 2 hanggang 3 daan at sa mga karaniwang araw, umaabot sa 20 hanggang 30 ang bilang ng kanilang mga parokyano.
Habang naghuhuntahan kami ng ama, pinagsisilbihan kami ng masasarap na putahe ng isang lalaking nasa katamtamang edad at katamtamang taas. Siya ay ang amo ng restauran na si G. Ling Chongjie. Sinabi ni G. Ling na dahil meron siyang karanasan ng isang taong pagsasanay sa pagluluto, ipinasiya niyang magpatakbo ng restaurang ito.
"Parami nang parami ang mga turistang dumadalaw sa Detian Waterfall at may pagkakataon silang tikman ang aming mga lutuin ng ligaw na damo, isda at manok. Ang lahat ng mga sangkap ay nagmumula sa bundok at kagubatan ng Biyetnam."
Dagdag pa niya na sa kasalukuyan, madaling mabili ang mga sangkap sa malapit na palengke ng pagkakalakalan ng mga Biyetnames at Tsino.
50 libo hanggang 60 libong Yuan o mahigit 7 libo hanggang 9 na libong dolyares ang netong taunang kita ng restauran ni Ling. Sinabi niya na hindi masasabing mayaman ang kanyang pamilya, pero, well-off naman. Sinabi pa niya na:
"Sa tingin ko, kasiya-siya ang aming pamumuhay at bumubuti ang iba't ibang aspekto. Halimbawa, noong araw, nakakain kami ng manok isang beses isang buwan, pero, ngayon, nakakakain kami nito sa anumang oras kapag gusto namin."
|