• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-02-20 19:56:47    
Tsina, aktibong nagsagawa ng hakbangin para igarantiya ang hanap-buhay

CRI
Sapul noong Oktubre ng nakaraang taon, dahil sa epekto ng pandaigdigang krisis na pinansiyal, sa ilang industriya at bahay-kalakal ng Tsina, naging mahirap ang paghahanap-buhay, at bumaba ang pangangailangan sa mga trabahador, at mga migrant workers ay sapilitang bumalik sa kanilang hometown. at kasabay nito, mas mahigpit ang kalagayan ng paghahanap-buhay ng mga graduates ng unibersidad sa taong ito.

Sa kasalukuyan, mga 20 milyong migrant workers ng Tsina ay nawalan ng trabaho dahil sa masamang kalagayang pangkabuhayan. Para tulungan ang naturang mga migrant workers na muling maghanap ng trabaho, pagkaraan ng Spring festival, ipinalabas ng Tsina ang no.1 sentral na dokumento sa taong 2009 na nagpokus sa isyu ng agrikultura, kanayunan at magsasaka. Sinabi ni Chen Xiwen, opisyal na namamahala sa agrikultura ng Tsina na sa bagong taon, magsasagawa ang Tsina ng mabisang hakbangin para panatilihin ang sustenableng paglaki ng kita ng mga magsasaka

"una, enkorahehin ang mga bahay-kalakal sa mga lunsod at rehiyon sa babaying dagat na hindi tanggahin ang mga migrant workers, ikalawa, ipagkaloob ang mas maraming pagkakataon ng pagsasanay para palakasin ang kanilang kakayahan ng pagtatrabaho, ikatlo, ang konstruksyon ng pubulikong pasilidad ay tumanggap hangga't maaari ng migrant workers at ikaapat, tulungan ng pamahalaan ang mga migrant workers na mag-negosyo. "

salin:wle