• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-02-24 19:05:57    
Tsina: katutubong sining ang nangangasulputan

CRI

Kamakailan, idinaos sa Beijing ang pagtatanghal ng katutubong sining ng intangible cultural heritage ng Tsina. may mahigit 2 libong pambihira't mahalagang bagay ang nasa pagtatanghal at mahigit 1 libong artesano ang nagpalabas ng kanilang kahusayan. Ito ang pagtatanghal na pinakamalaki ang saklaw at pinakakompleto ang uri sapul nang itatag ang bagong Tsina noong 1949. Nitong nakalipas na ilang araw, marami ang mga manonood at naging mainit na paksa ang papaanong pagpapatuloy ng mga katutubong sining.

Sa nabanggit na pagtatanghal, nakita ni Ginang Kong Lingxiu ang pagtahi ng suwelas at marami siyang pinag-iisip.

"Noong bata pa, mayroon kami ng klase ng handcraft at nagsadya pa kami sa pagawaan para matuto sa paggawa ng sapatos. Kaya, nang makita ko ngayon ang paggawa ng suwelas, naalaala ko ang mga pangyayari noong bata pa ako. kung walang pagtatanghal na ito, imposibleng makikita ang gayong bagay."

Ang 80 taong gulang na si Ying Yegen ay galing sa lalawigang Zhejiang ng Tsina. noong 13 taong gulang, nagsimulang matuto siya ng paggawa ng tin vessel. Mahusay siya sa paggawa ng mga hayop at mga candleholder, tea tin at iba pa. Itinuturing si Ginoong Ying bilang tagapagmana ng paggawa ng tin vessel. Hanggang ngayon'y ginugugol pa niya ang mahigpit 10 oras bawat araw sa paggawa ng tin vessel.

"Nagugustuhan ko ang paggawa ng tin vessel. Puwede kong gawin ang maraming bagay. Nagtatrabaho ako nang mahigit 10 oras bawat araw. Bumangon ako alas-4 o 5 at nagsimula sa trabaho ko. Lagi kong ginagawa ang mga candleholder, tea tin, vase at iba pa. Sa lupang tinubuan ko, nang magkasal ang babae, ang dinadala niya'y mula sa kanyang pamilya ay buong set na tin vessel. "

Para sa mga matatanda, ang pagtatanghal na ito ay ipaalaala sa kanila ang mga bagay noong bata pa sila. Ngunit, para sa mga bata naman, kaiba ang mga ito. Ipinalalagay halos ng lahat ng mga manonood na ang pangangalaga sa katutubong sining ay nangangahulugang pangangalaga ng kayamanang kultural ng Nasyong Tsino. Sinabi ni Wang Zhuo, isang 19 taong gulang na lalaki, na:

"Maganda at maingat ang paggawa ng mga bagay na pansining. Mahirap at masalimuot ang taktika. Mahabang panahon ang kailangan para gumawa ng mga ito. Dapat pangalagaan natin ang mga Intangible Cultural Heritage ng Tsina."

Dahil sa impluwensiya ng modernisasyon, globalisasyon at sibilisasyong industryal, naging isang problema ang pagpapatuloy ng katutubong sining. Sa kasalukuyan, may maraming pagpili ang mga bata at kulang sila sa pagkaunawa at hilig sa katutubong sining. Ang isa sa mga layunin ng pagtatanghal na ito ay ibayo pang palalimin ang pagkaunawa ng mga mamamayan sa mga katutubong sining. Ipinalalagay ni Wu Bing'an, isang opisyal ng Lupon ng Pangangalaga sa Intangible Cultural Heritage ng Tsina, na unti-unting popular ang mga produktong yaring-kamay sa mga maunlad na bansa. At gayon din sa Tsina. Ito ang kinalabasan ng pangangalaga sa katutubong sining ng Tsina. Anya, positibong patakaran ang isinagawa ng pamahalaang Tsino, halimbawa, pagkakaloob ng subsidy sa mga tagapagmana, pagpapalalim ng pagkaunawa ng publiko sa katutubong sining. Sinabi niyang:

"Iilang na ang nananatiling mga tagapagmana ng mga Intangible Cultural Heritage ng Tsina. Ngayon, isinagawa namin ang paraan ng pagbibigay ng subsidy. Kung tatanggapin ng mga artesano ang aprintis, bibigyan sila ng subsidy bawat buwan. Samantala, sa Yangzhou ng lalawigang Jiangsu, Zhejiang at iba pang lugar, inilakip ang mga handicraft na lokalidad sa lektyur ng mga paaralan para palaganapin."