• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-03-04 09:42:48    
Pleasant Goat and Big Big Wolf, pinasigla ang pag-unlad ng industriya ng animation ng Tsina

CRI

Kamakailan, mainit na ipinalabas ang animated cartoon o karton ng Tsina na pinamagatang "Pleasant Goat and Big Big Wolf". Ito ang karton para sa mga batang manonood na 3 hanggang 6 na taong gulang. Ngayon, lumampas sa 86 milyong Yuan RMB ang box office nito na itinuturing na isang himala. Ipinalalagay ng may kinalamang tauhan na ang kartong ito ay hindi lamang pinasigla ang industriya ng karton, kundi isang signal ng pag-unlad ng industriya ng karton ng Tsina.

Para sa mga batang Tsino, ang "Pleasant Goat and Big Big Wolf" ay kilalang kilala. 2 taon na ang nakaraan, ipinalabas ang may mahigit 500 labas na TV series ng karton na pinamagatang "Pleasant Goat and Big Big Wolf" sa mahigit 50 TV channel at natamo ang mataas na audience rating. Sa TV series na ito, ang mga pangunahing papel ay Xi Yangyang, masayang kambing, Lan Yangyang, tamad na kambing, marunong na puno ng nayon ng mga kambing at kanilang kaaway na si Hui Tailang o abuhing lobo at ang kanyang asawa. Bawat araw, iniisip ni Hu Tailang ang paraan para mahuli ang mga kambing para sa kanyang asawa, ngunit, bawat beses, nabigo siya. Ang mga kuwentong uminog sa paglalabanan ng dalawang panig ay nakaaakit ng mga bata. Nang ipalabas ang cartoon "Pleasant Goat and Big Big Wolf", mabiling-bili ito. Sa taong ito, nang ipalabas ang sine, ang mga sinehan ay agad na pinagdagsaan ng mga bata. Kay dami ng mga bata, kay sigla ng tagpo. Sinabi ni Ding Dacheng, isang 9 na taong gulang na batang lalaki na:

"May isang dagdag na papel sa sine: ang anak ni Hui Tailang na si Xiao Huihui o maliit na abuhin, very funny siya. Mayaman ang imahinasyon ng sineng ito: maging pumasok ang mga kambing at lobo sa loob ng katawan ng suso at ang kinaharap nila'y ang mga mikrobyo."

Hindi lamang para sa mga bata, kundi gayon rin para sa mga may hustong gulang ang lakas-panghalina ng sine. Ang mga usap-usapan sa sine ay nalilipos ng katatawanan at mga salitang komtemporari't uso. Ang natamong mabungang box office at epekto sa lipunan ng "Pleasant Goat and Big Big Wolf" ay nakatawag ng pansin ng iba't ibang sirkulo ng lipunan. Sinabi ni Zhang Xiaoming, mananaliksik ng Chinese Academy of Social Sciences, na:

"Ang kasalukuyang mga konsumidor ng cartoon ng Tsina ay maikukumpara sa mga kauri nila sa daigdig. Nitong nakalipas na 10 o 20 taon, minopolisa ang pamilihan ng carton ng Tsina ng mga cartoon ng E.U. at Hapon. Ang aming mga cartoon ay kulang sa mabuting porma ng pagpapakita."

Nitong nakalipas na ilang taon, buong lakas na kinatig ng Tsina ang pagpapaunlad ng industriya ng animated cartoon at dumug-tumog ang mga tauhan ng industriyang ito sa pagpapasigla ng industriyang ito. Hinggil sa tagumpay ng "Pleasant Goat and Big Big Wolf", ipinalalagay ni Chen Yingjie, producer nito, na:

"Nagsubok kami sa pagpoprodyus ng bagong animated cartoon. Hindi lamang sa inobasyon sa nilalaman, kundi sa porma ng marketing para hikayatin ang mga bata. Bukod sa sine, nagprodus kami ng isang uri ng lapis na may kuhit ng 'paglalabanan ng Xi Yangyang at Hui Tailang', at manonood lamang sa sineng ito, saka matatanggap ang lapis na ito."

Ipinalalagay ng mga tauhan na ang "Pleasant Goat and Big Big Wolf" ay isang matagumpay na halimbawa para sa industriya ng karton ng Tsina sa pagsubok sa paghahanap ng modelo ng tagumpay nito, mula TV series hanggang sa cartoon, sine at laruan, unti-unting umaakit ng konsumo ng publiko. Samantala, salamat sa mga may kinalamang patakaran, unti-unting bumubuti rin ang kalidad ng karton. Sinabi ni Zhang Hongsen, pangalawang puno ng State Administration of Radio, film and Television, na:

"Yumayaman at lumalawak ang uri ng tema ng animated cartoon ng bansa. Dati, ang karamihan sa mga tema nito ay mula sa alamat ng Tsina o bahagi ng tradisyonal na kulturang Tsino. Ngayon, bukod sa pagdedebelop ng tradisyonal na kultura, dinaragdag din ngayon ang mas maraming demang realistiko o dema hinggil sa imahinasyon sa hinaharap. Kapansin-pansin ang katangian ng inobasyon sa karton ng bansa at nagsimulang lumitaw ngayon ang pagkakaiba-iba sa aspekto ng paglikha at pagmomolde alinsunod sa pangangailangan sa panahon.