• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-03-05 21:19:17    
Mga kagawad ng pambansang minorya

CRI

Ngayong hapon, narinig ko ang talakayan ng mga kagawad ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC na galing sa mga grupong etniko. Sa Tsina, may 55 pambansang minorya at ang populasyon ng mga ito ay umaabot sa mga 123.33 milyon (batay sa estadistikang ipinalabas noong taong 2005) na katumbas ng 9.44% ng kabuuang populasyon ng bansa.

Sa mga karaniwang araw, ang mga kagawad ay naglilingkod sa iba't ibang saray ng lipunan at sa taunang sesyon ng NPC at CPPCC naman, nagtitipun-tipon sila sa Beijing nang may dalang kani-kanilang proposal na may kinalaman sa iba't ibang aspekto.

Si Wuliya•Simayinuowa, kagawad ng CPPCC(sa kaliwa)

Halimbawa, si Wuliya•Simayinuowa ay isang direktor galing sa Tianshan Film Studio ng Xinjiang Uygar Autonomous Region at sa kanyang talumpati sa talakayan, mataas na pinahahalagahan niya ang hinggil sa mga isyung kultural at pinagtutuunan din niya ng pansin ang kapaligiran, kalusugan ng mga menor de edad at pagpapataas ng kita ng mga magsasaka. At ang kanyang proposal naman ay hindi lamang nagtatampok sa isyu ng mga pambansang minorya kundi maging sa mga isyung may kinalaman sa lahat ng mga mamamayang Tsino. Sinulat niya ang lahat niyang mungkahi sa kanyang proposal at iniabot ito sa standing committee ng CPPCC. Pagkatapos ng kasalukuyang sesyon, susuriin at tutugunan ang kanyang proposal ng mga may kinalamang departamento at kung hindi niya ikakasiya ang resulta, dapat patuloy na koordinahin at hawakan ito ng mga departamento hanggang sibihin niyang Ok. Ito ang isa sa mga karapatan at obligasyon ng mga kagawad ng CPPCC.