• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-03-11 15:37:48    
Kauna-unahang biyahe ng 2 mamamahayag ng Taiwan sa mainland

CRI

22 taon na ang nakararaan, pumasok sa kauna-unahang pagkakataon sa mainland sina Xu Lu at Li Yongde, dalawang mamamahayag ng Independence Evening Post ng Taiwan para sa pagkokober, bagay na nakatawag ng pansin ng mass media ng buong daigdig. Ang biyaheng it oay nakasira ng pader na sumabagal nang 38 taon ng normal na pagpapalagayan ng magkabilang pampang.

Noong Hulyo ng 1987, inalis ng awtoridad ng Taiwan ang pagbabawal sa pakikipaggalagayan sa mainland na umiral nang 38 taon at hinayaan ang mga kababayang Taiwanese na pumunta sa mainland para maglakbay at bumisita sa kanilang mga kamag-anak. Noong panahong iyon, ipinasiya ng Independence Evening Post ng Taiwan, na magpadala ng mamamahayag nito sa mainland para sa pagkokober. Kaya sina Xu Lu at Li Yongde ay masuwerteng naging mga unang mamamahayag ng Taiwan na bumisita sa mainland.

Noong ika11 ng Setyembre ng 1987, lumisan ng Taipei sina Li at Xu papunta sa Tokyo ng Hapon para humingi ng tulong ng embahadang Tsino sa Hapon. Sinabi ni Xu na

"Gabi na nang dumating kami sa embahadang Tsino sa Hapon. Inihayag namin sa kawani ng embahada ang aming hangarin ng pagkokober sa mainland, nasopresa siya't sinabi niya na mahalagan ang bagay na ito at wala siyang kapangyarihang hawakan ito at dapat iulat sa kanyang nakatataas. Kaya naghintay kami sa Tokyo. Pagkaraan ng dalawang araw, ibinalita niya sa amin ang kanilang disisyong sila'y matatanggap sa pagbisita sa mainland."

Noong madaling araw ng ika-15 ng Setyembre ng 1987, dumating sa Beijing sina Li at Xu. Sinalubong sila sa paliparan ni Chen Zuoer mismo, Direktor ng departamento ng Hong Kong, Macao at Taiwan ng China News Service. Nang sariwain ni Xu ang tagpong iyon noon, sinabi niyang

"Sa sandaling bumaba kami ng eroplano, ang unang salita niya ay nag-iwan sa amin ng malalim na impresyon, sinabi niya na welcome to Beijing, 38 taon na ang hinihintay nila sa sandaling ito."

Ipinahayag ni Chen na magpapasiya nang hangga't makakaya sa kahilingan ng pagkokober nina Xu at Li. Sa proseso ng pagkokober nila, namahala lamang ang mainland sa pakikipag-ugnayan sa mga tao na nais nilang panayamin, datapuwa't hindi sumama ito sa pagkokober nila para malayang isagawa nila ang pagkokober. Inilahad ni Chen na

"Sa ikalawang araw pagkatapos nilang dumating sa Beijing, itinanong ko ang damdamin nila. Sinabi nila na ang pinakamalalim na damdamin nila ay sila ang naging kinahihiligang target ng mass media at saan man dako ng mainland, may maraming mamamahayag sa loob at labas na bansa para panayamin sila."

Pagkaraan ng 4 na araw, lumisan ng Beijing sina Li at Xu papunta sa Hangzhou. Bumisita sila ng magandang lawa Xihu at nakita ni Xu ang kanyang tiya at pinsang lalaki na nakahiwalay nang mahabang panahon. Masiglang masigla si Xu . Sinabi niya na

"Ang pagtatagpong iyon ay nagbigay sa kami ng tiya ng isang eksklusibong pribadong espasyo para sa usap-usapan. Kaya nakaaantig ako."

At pagkatapos, nagsadya sina Xu at Li sa Guangzhou Shenzhen at Xiamen. Sa Guangzhou, gumawa sila ng pag-shopping, nakipag-usap sa mga residenteng lokal, kumain sa maliit na restawran at bumisita sa Sun Yat-sen Memorial Hospital, Sun Yat-sen University, dating kinaroroonan ng Whampoa Military Academy at dating tirahan ni Sun Yat-sen.

Ang bilis ng paglipas ng araw, datapuwa't ang kanilang maiksing biyaheng ay nakatawag ng nakayanig ng husto ng iba't ibang sirkulo ng lipunan sa Taiwan. Sinabi ni Xu na

"Pinaligiran ako ng mga mamamahayag sa sandaling lumapag ako sa eroplano sa paliparan ng Taiwan. Sinabi ko na mahalaga ang katuturan ng aming biyahe. Bilang isang mammahayag, ikinagagalak ko ang pagganap ko ng mapagpasulong na papel sa prosesong pangkasaysayan ng pagpapalagayan ng magkabilang pampang."