Sinabi kamakailan ni Qiangba Puncog, tagapangulo ng pamahalaan ng Rehiyong Awtonomo ng Tibet, na sa kasalukuyan, matatag ang kalagayan ng Tibet at imposibleng mangyari ang malaking insidente. Anya, posibleng humadlang ang mga pangkarahasang insidente sa pansamantalang pag-unlad ng Tibet, ngunit sa pangmalayuang pananaw, hindi mahahadlangan ng anumang puwersa ang pag-unlad nito.
Pinatutunayan din ng kasaysayan ng pag-unlad ng Tibet nitong nakalipas na 50 taon na matatag ang kalagayan ng lipunan, mabilis ang pag-unlad ng rehiyon.
Batay sa kanyang maraming taong karanasan at pagmasid, lubos na nananalig si Qiangba Puncog na ang kapayapaan at katatagan ay saligang garantiya sa pag-unlad ng Tibet at ito rin ang komong mithiin ng mga Tibetano.
Pagkaraan ng mapayapang liberasyon ng Rehiyong Awtonomo ng Tibet noong taong 1951, aktibo ang pamahalaang sentral ng Tsina sa pagbibigay ng tulong sa Tibet sa paggawa ng pambansang lansangan at pagtatayo ng mga pagawaan para mapasulong ang pag-unlad ng kabuhayan at lipunan. Ngunit, ang ligalig na ibinunga ng rebelde ng Dalai Clique ay malubhang nakasira sa pag-unlad nito. Pagkatapos ng repormang demokratiko, unti-unting nanumbalik ang kabuhayan ng Tibet. Noong 2008, umabot sa 13861 Yuan RMB ang GDP bawat tao.
Bagong ang repormang demokratiko, wala pa sa 5% ng buong populasyon ang mga panginoon ng alipin, ngunit umangkin sila ng higit nakararaming kasangkapan ng produksyon. Ang malawak na masa ng mga alipin ay pinagkaitan ng kalayaang personal at wala silang karapatang mag-aral ng wikang Tibetano. Ang gayong walang katarungang sistema ay humantong sa walang tigil na pagganap ng kaguluhang panlipunan na humahadlang sa pag-unlad ng Tibet.
Pagkaraan ng demokratikong reporma, pinawalang-bisa ang sistema ng pang-aalipin sa Tibet na ang katangian nito'y ang pagsasama ng relihiyon at administrasyon. Milyong milyong alipin ang nagkakaroon ng sariling bukirin at hayop, mayroon na silang karapatan sa pag-aaral sa paaralan at pagpili ng pananampalataya. Sapul nang itatag ang Rehiyong Awtonomo ng Tibet noong 1965, isinasagawa ng pamahalaang sentral sa Tibet ang sistema ng rehiyonal na pambansang awtonomiya, sa gayo'y iginagarantiya sa pamamagitan ng batas ang lubos na karapatan sa awtonomiya ng Tibet.
Maaari sabihin, salamat sa pagpapawalang-bisa ng sistema ng pang-aalipin, nagkakaroon ng kalayaan ang mga mamamayang Tibetano at salamat naman sa pagsasagawa ng sistema ng rehiyonal na pambansang awtonomiya, nagkakaroon sila ng karapatan sa pamamahala sa mga suliranin ng rehiyon. Ang panatag na kalooban ng mga Tibetano na hinubog ng kanilang tunay na pag-angkin ng karapatan sa pagpapasiya sa sariling tadhana ay nagsisilbing pundasyon ng pagiging katatagan ng Tibet at narealisa nilang kanilang sarili lamang ang dapat umasa para mapabuti ang kanilang pamumuhay. Malaking napapatingkad ang kasiglahan at pagkamalikhain ng mga Tibetano at sa ilalim ng pagkatig ng pamahalaang sentral at mga iba pang lugar ng Tsina, natamo ng Tibet ang komprehensibo at mabilis na progreso sa iba't ibang aspekto na gaya ng konstruksyon ng imprastruktura, edukasyon, kalusugan, pambansang kultura at iba pa.
Nitong ilang taong nakalipas, ang mainam na kalagayan ng kapayapaan, katatagan at kaunlaran ng Tibet ay ilang beses na sinira ng mga separatistang aksyon ng Dalai Clique. Isa sa mga halimbawa ay ang karahasang naganap noong ika-14 ng Marso ng nagdaang taon sa Lhasa. Humantong ito sa malaking kasuwalti, kapinsalaan ng ari-arian at kaligaligan ng lipunan.
Bagama't nakaapekto ang mga kaguluhan sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Tibet, hindi itong bumago ng hangarin at pananalig ng mga Tibetano sa katatagan at kaunlaran. Mula sa kasaysayan ng pag-unlad ng Tibet, buong liwanag na napagtanto ng mga Tibetano na kung gustong pauunlarin ang Tibet, dapat panatilihin ang kapayapaan at katatagan at pangalagaan ang kanilang karapatan sa pagiging panginoon ng lipunan.
|