• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-03-12 17:38:54    
Tsina, aktibong itinatatag ang network ng kaligtasan ng pagkain at gamot

CRI

Noong 2008, ang milk powder na may halong melamine ay nakakasakit sa halos 300 libong pamilya sa Tsina, bagay na nagpapasulong sa bilis ng lehislatibong hakbang ukol sa "batas sa kaligtasan ng pagkain" at sisimulang isagawa ang batas na ito sa Hunyo Uno ng kasalukuyang taon.

Sa Government Work Report na ipinalabas noong ika-5 ng buwang ito, iniharap ni premyer Wen Jiabao ng Tsina na sa taong ito, dapat palalimin ang pagsasagawa ng espesyal na pagsasaayos sa kaligtasan ng pagkain at gamot, kompletuhin at buong higpit na isagawa ang istandard ng kalidad at kaligtasan ng mga produkto, isagawa ang mahigpit na sistema ng market access, pagbakas ng kalidad ng produkto at sistema ng pagpapabalik ng mga produktong may problema at dapat ding magsikap para maging kapanatagang-loob at maginhawa ang mga mamamayan nang bumili, kumain at gumamit ng mga produkto.

Ipinalalagay ni Ginoong Ye Jiannong, kagawad ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC at dalubhasa sa analytical chemistry na kailangang isagawa ang pagtaya sa ginagamit na di hinayaang food additives kung nakakalaso ba ang mga ito.

"Ipinalalagay nating nakakalaso o masama ang mga food additives na wala sa listahan ng mga food additives na pinahihintulutang gamitin, maliban na lamang kung mapapatunayang walang panganib pagkaraan ng praktis at siyentipikong pananaliksik sa mahabang panahon, ilalakip ang mga ito sa listahang ito."

Tulad ng pagkain, may mahigpit namang ugnayan ang kalidad at kaligtasan ng gamot sa kalusugan ng mga mamamayan. Kaugnay ng ilang kaso ng pagbebenta ng huwad na gamot sa ngalan ng "boluntaryong paggamot ng dalubhasa, iminungkahi ni Ginoong Shi Dazhuo, kagawad ng CPPCC at punong mananaliksik ng Academy of Chinese Medicine Sciences ng Tsina, na kasabay ng pagpapabuti ng market access, dapat palakasin ng pamahalaan ang pagsusuperbisa't pamamahala sa larangan ng sirkulasyon ng gamot para maigarantiya ang kaligtasan ng paggamit ng gamot ng mga mamamayan.

"Medyo kompleto ang pagsusuperbisa ng Tsina sa mga gamot bago pumasok sa pamilihan, pero di-kompleto ang sistema ng pag-uulat ng pagtasa at pagsusuperbisa sa negatibong reaksyon ng mga gamot pagkaraang pumasok sa pamilihan, dapat palakasin ang pagtasa pagkaraan ng pagpasok ng gamot sa pamilihan."

Nang kapanayamin ng mamamahayag, sinabi naman ni Ginoong Ge Junjie, kagawad ng CPPCC at pangalawang CEO ng Shanghai Bright Food Group na itinatag na ng kanyang kompanya ang plataporma ng pagbakas ng kalidad ng produkto at maaaring hanapin sa website nito ng mga mamimili ang petsa at lugar ng pagpoprodyus ng produktong binili nila at kalagayan ng pagsusuri ng autorisadong departamento ng estado sa produktong ito.

"Kung lilitaw ang problema sa kaligtasan ng pagkain namin, babagsak ang buong kompanya, ang nukleo ng mga bahay-kalakal, maliliit na bahay-kalakal man o malalaking bahay-kalakal, ay dapat maging responsableng bahay-kalakal. Dahil ang industrya ng pagkain ay isang industryang may kinalaman sa moral, budhi at responsiblidad, kaya dapat buuin ang kamalayan ng sistemang pambatas, moral at responsibilidad na panlipunan."

Nananalig kaming kasabay ng pagpapaibayo ng pagsusuperbisa't pamamahala ng Tsina sa mga aspektong gaya ng produksyon at sirkulasyon ng pagkain at gamot, magkakaroon ng mas mabisang garantiya ang kalusugan ng mga mamamayan.