Ipininid ngayong araw dito sa Beijing ang taunang pulong ng pambansang kongresong bayan ng Tsina o NPC. Sa preskong idinaos pagkatapos ng taunang pulong, sinagot ni premiyer Wen Jiaobao ng Tsina ang mga tanong ng mga mamamahayag na Tsino at dayuhan.
Sa 23 tanong na iniharap ng mga mamamahayag kay premiyer Wen, 70% ang hinggil sa mga patakarang panloob at panlabas ng Tsina para harapin ang pandaigidang krisis na pinansiyal. Hinggil sa plano ng pamumuhunan ng 4 trilyong yuan RMB ng Tsina, sinabi ni Wen na :
"ang package plan namin ay kinabibilangan ng 4 na nilalaman: malaking saklaw na pamumuhunan ng pamahalaan, malaking saklaw na pagsasaayos at pagpapasigla ng industriya, puspusang pagkatig na pansiyensiya at panteknolohiya, at malaking pagpapataas ng lebel ng garantiyang panlipunan."
Kasabay nito, binigyan-diin ni premiyer Wen na sa harap ng kasalukuyang krisis na pinansiyal, ang Tsina ay gumawa ng sapat na paghahanda, at mayroon na plano ang Tsina para harapin ang mas malaking kahirapan. At maihaharap ng Tsina sa anumang sandali ang bagong patakaran para sa pagpapasigla ng kabuhayan.
Sa kasalukuyan, ang Tsina ay naging pinakamalaking creditor country ng E.U..hinggil dito, sinabi ni Wen na ang Tsina ay dapat pangalagaan ang kapakanan ng sariling bansa at kasabay nito, dapat isaalang-alang ang katatagan ng pandaigdigang pinansya. Nagbigay ang Tsina ng maraming pansin sa pag-unlad ng kabuhayan ng E.U.. isinagawa ng bagong pamahalaang Amerikano ang isang serye ng hakbangin para harapin ang krisis na pinansiyal, at umaasa ang Tsina na magiging mabisa ang naturang mga hakbangin. Hiniling ni Wen sa pamahalaan ng E.U. na igarantiya ang seguridad ng kapital ng Tsina.
Hinggil sa summit na pinansiyal ng G20 na idaraos sa London sa malapit na hinaharap, Sinabi ni Wen na :
"sa proseso ng paghaharap ng krisis, kinaharap ng mga umuunlad na bansa ang pinakamalaking kahirapan, ngunit, binalewala sila. Sa summit na pinansiyal ng G20, dapat ituring ang pagtutulong sa mga umuunlad na bansa bilang mahalagang tema. "
Bukod sa mga isyung kung paaanong haharapin ng Tsina ang krisis na pinansiyal, ang isyung kung patuloy ang pakikipag-talastasan ng sentral na pamahalaan kay Dalai lama ay isa pang mainit na isyung pinagtutuunan ng pansin ng mga mamamahayag. Hinggil dito, inulit ni Wen na ang Tibet ay di-maihihiwalay na bahagi ng Tsina, ang isyu ng tibet ay suliraning panloob at hindi dapat pakialaman ito ng anumang bansang dayuhan. Kung itatakwil ni Dalai lama ang separadistang akdibidad, nakahanda ang sentral na pamahalaan na makipag-usap sa kanyang kinatawan.
Kaugnay ng kapinsalaang gawa ng pakikipagtagpo ni pangulong Nicolas Sarkozy ng Pransya kay Dalai lama noong isang taon sa relasyon ng Tsina at Pransiya, sinabi ni Wen na:
"umaasa kamingdapat ipahayag ng Pransya ang pakikitungo nito sa isyung ng Tibet para pasulungin ang pagpapanumbalik ng relasyon ng dalawang bansa sa lalong madaling panahon. Ito ay hindi lamang angkop sa kapakanan ng Tsina at Pransiya, kundi rin angkop sa kapakanan ng Tsina at Europa."
Sa preskong ito, sinagot ni Wen ang mga tanong ng mga mamamahayag hinggil sa mga isyung tulad ng patakaran ng exchange rate ng Tsina, relasyong pangkabuahayan at pangkalakalan ng mainland at Taiwan at iba pa.
Salin:Sarah
|