Mahigit 9 na buwan na ang napalipas sapul nang maganap ang malakas na lindol sa Wenchuan ng lalawigang Sichuan ng Tsina noong ika-12 ng Mayo ng nagdaang taon. Katulad ng mga mag-aaral ng ibang purok ng Tsina, ang mga mag-aaral sa nilindol na purok ng Sichuan ay nagsimula ng bagong semestre sa buwang ito. Ang 14 na taong gulang na si Deng Li ay isang mag-aaral ng Leigu Middle School ng Beichuan. Sinabi niya na
"Buong sikap na nag-aaral na tulad na dati kaming lahat. Hindi nag-alala kami sa mga stationery at teksbuk, dahil bahala ang paaralan sa mga ito. At ngayon, sanay na kami sa pamumuhay at pag-aaral ditto sa mga pansamantalang kuwarto at masaya kami."
Pagkaraan ng lindol, ang bagay na labis na ikinababahala ng mga guro ay lagay ng rehabilitasyong saykolohikal ng mga mag-aaral. Sa bagong semestre, galak na galak ang mga guro nang makita ang mga malusog at masayang mag-aaral. Sinabi ni Gui Zhengyun, guro ni Deng, na
"Matatag ang mantalidad ng mga mag-aaral sa semestreng ito. Para rito, marami kaming ginawa. Halimbawa, inorganisa namin ang maraming mayaman at makulay na aktibidad sa labas ng silid-aralan na gaya ng pagsasayaw, pagguhit at mga aktibidad na pampalakasan para makapag-enjoy sila sa pamumuhay."
Bukod dito, nagbibigay-tulong sa mga mag-aaral sa nilindol na purok ang iba't ibang sirkulo ng lipunan sa pamamagitan ng iba't ibang paraan. Bago ang spring festival ng Tsina, inanyayahan si Deng at iba pang 99 na mag-aaral sa nilindol na purok na pumunta sa Pilipinas para sa pahinga't rehabilitasyon.
Bago ang biyaheng ito, hindi kailama'y lumisan si Deng ng kanyang lupang tinubuan. Sa Pilipinas, kauna-unahan niyang nakita ang dagat at antig na antig siya. Ang maiksing isang linggo biyaheng ito ay nag-iwan sa kanila ng magandang alaala. Sinabi ni Deng na
"Ang pinakamalalim na impresyon ko ay ngiti ng mga Pinoy. Saan man kami ng Pilipinas, lagi naming nakita ang ngiti ng mga Pinoy. Tinutuan ako silang magsayaw ng aming sayaw na panlahi at natuto rin kami sa kanilang sayaw. Gustong gusto ko ang awit ng bayan doon, maganda ang mga ito."
Pagkaraan bumalik si Deng mula sa Pilipinas, naging tampok siya sa paaralan. Gustong-gustong malaman ng mga kaklase niya ang kahit ano hinggil sa Pilipinas. Kaugnay ng kalagayan nina Deng pagkatapos ng pag-uwi niya. Sinabi ni guro Jiang na
"Matatag ang kanilang mantalidad pagkatapos nilang umuwi. Napalawak ang nanilang pananaw sa daigdig ng biyaheng ito at ipinasiya nila na magsikap sa hinaharap para mag-aral at pataasin ang kanilang kahusayan para balikan ang lipunan ng pabor sa pamamagitan ng kanilang aktuwal na akyon."
Ayon sa salaysay ng namamahalang tauhan ng kawanihan ng edukasyon ng lalawigang Sichuan, sa kasalukuyan, magkakasunod na sinimulan ang rekonstruksyon ng mga paaralan sa mga nilindol na purok na tinayang bago ang unang araw ng darating na Setyembre sa pagsimula ng bagong semestra, matatapos ang konstruksyon ng mga gusali ng halos 90% paaralan.
Kay bilis ng konstruksyon ng mga gusali ng paaralan ni Deng, sa unang araw ng darating na Agosto, maitatayong buo ang bagong gusali ng paaralan. Buong pananabik niya hinahangad na mag-aral sa lalong madaling panahon sa kanilang bagong paaralan. Sinabi niya na
"Labis na nananabik akong mag-aaral sa bagong tayong silid-aralan."
Ayon sa salaysay ni Wu Wei, namamahalang tauhan ng proyekto ng konstruksyon ng bagong gusali ng Leigu Middle School, ang plano at konstruksyon ng buong proyekto ay isinasagawa batay sa istandard na makakalaban sa lindol na may lakas na 9 sa richter scale.
Sa tingin ni Deng at mga kaklase niya, nang maitayo ang bagong gusali ng paaralan, magpapaalam sila sa pansamantalang silid-aralan at aahon mula sa masakit na alaala na dulot ng lindol st sasalubungin ang kanilang mas maaliwalas na kinabukasan.
|