Kamakailan, magkakasanib na nagdaos ang National Art Museum of China o NAMC, Shanghai Art Museum at Singapore Art Museum ng eksibisyon ng mga pinturang pinamagatang "Sikap at Ambag" para ipakita ang mga kathang inialok ni Master Wu Guanzhong, bantog na kontemporaryong pintor ng Tsina. 90 taong gulang na si Master Wu ay may mahalagang katayuan sa proseso ng pag-unlad ng kontemporasyong arte ng Tsina.
Sinimulang ipatanghal sa NAMC ang "Sikap at Ambag" noong katapusan ng Pebrero ng taong ito. Binuo ang eksibisyon ng mahigit 180 pintura ni Master Wu. Sa pamamagitan ng dokumento, larawan at video, ipinakikita ng eksibisyon ang mahigit 70 taong pagsisikap ni Wu sa kanyang pamumuhay na pansining. Isinalaysay ni Qian Linxiang, pangalawang puno ng NAMC na:
"Itinuturing ni Master Wu ang sining bilang kanyang buhay. Nitong nakalipas ng maraming taon, kahit saanman at kahit sa aumang kondisyon, dumog na dumog siya sa sining. Napakahalaga ni Wu sa kasaysayan ng arte ng Tsina noong ika-20 siglo. Nagbigay siya ng natatanging ambag sa oil painting at Wash Painting. Pinag-sanib niya ang tradisyonal na pinturang Tsino at kanluranin at ang ideya ng sining na Tsino at modernong paraan ng pagguhit."
Isinilang noong 1919 si Wu sa lalawigang Jiangsu ng Tsina. nagsimulang mag-aral siya ng sining noong 18 taong gulang pa sa paaralang pansining. Noong 1947, nagpatuloy siya ng kanyang pag-aaral sa pambansang Akademiyang Pansining ng Pransiya, Ecole Nationale Sup é rieure des Beaux-Arts o ENSBA bilang estudyante ni Jean Souverbie, batog na pintor sa daigdig. Naapektuhan ni Jean si Wu sa maraming aspekto, sinabi niyang:
"Sinabi ni Ginoong Jean sa akin na may 2 landas sa sining. Isa ay maginhawang maikling daan, isa pa ay makabagbag-pusong malaking daan. Ipinasiya kong tumahak sa malaking daan."
Nang matapos ang kanyang pag-aaral sa Pransya, puwede niyang manatili roon. Ngunit, bumasa si Wu ng liham ni Vincent Van Cogh, bantog na pintor sa daigdig, sa kanyang kapatid. Sinulat ni Vincent na: "Dapat bumalik ka sa lupang-tinubuan, ikaw ang trigo, sa bukirin ng trigo lamang saka makakalaki ka." Maraming inisip si Wu, kaya, bumalik siya sa Tsina noong 1950.
Noong katapusan ng ika-7 dekada ng ika-20 siglo, komprehensibong nanumbalik ang kulturang Tsino. Pumasok naman si Wu sa golden ages ng paglikha. Lumika siya ng mga bagong pintura na nagkaiba sa tradisyonal na wash painting ng Tsina at modernong sining ng Kanluran. Ang mga pintura niya ay katangi-tangi at puno ng kasiglahan. Sa isip ng mga taong Kanluranin, ang pintura ni Wu ay puno ng diwa ng tradisyonal na kulturang Tsino. Sa isip ng mga Tsino, ang kanyang pintura ay kinabibilangan ng modernong sining ng Kanluran.
Noong 1991, ginawaran si Wu ng Ministri ng Kultura ng Pransya ng "pinakamataas na medaliya". Noong 1992, espesyal na nagdaos ang The British Museum ng eksibisyong "Wu Guanzhong-Pintor na Tsino noong ika-20 siglo". Ito ang kauna-unahang pagkakataon ng pagdaraos ng British Museum ng eksibisyon para sa namumuhay na pintor na Tsino. Noong 2000, naging academician si Wu ng Akademiya ng Pransya at siya ang kauna-unahang artistang Tsino na natamo ang naturang karangalan.
Nang sagutin kung papaanong panatilihin ang kanyang kasiglahan sa paglikha, sinabi ni Master Wu na:
"Unang una, huwag matakot sa kahirapan. Huwag gastusin ang labis na enerhiya sa pamumuhay at sa halip, dapat ibuhos ang lahat ninyong damdamin sa sining. Sa madaling sabi, makalimutan ang sarili."
|