• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-04-01 18:04:56    
Tsina, pasusulungin kasama ng iba't ibang panig ang pagtamo ng bunga ng London Financial Summit

CRI
Ngayong araw, Si pangulong Hu Jintao ng Tsina ay lumisan ng Beijing papunta sa Britaniya para lumahok sa ikalawang summit na pinansiyal ng mga lider ng G20 na idaraos sa London. Nauna rito, nang kapanayamin ng mamamahayag ng Xin Hua news agency, ipinahayag ni Hu na batay sa responsableng pakikitungo, ang Tsina ay magsisikap, kasama ng iba't ibang kinauukulang panig ng pulong na ito, para matamo ang positibo at aktuwal na bunga sa pulong na ito.

Sinabi ni Hu na sa harap ng komprehensibong pandaigdigang kalagayang pangkabuhayan, ang pinakamahalagang dapat gawain ngayon ay?una, dapat patatagin ang pandaigdigang pamilihang pinansiyal sa lalo madaling panahon, ikalawa dapat isagawa ang mga hakbangin na angkop sa kalagayan ng sariling bansa para pasiglahin ang kabuhayan, ikatlo, dapat sikapin para itigil ang proteksyonismo ng kalakalan at pamumuhunan at ikaapat, dapat pasulungin ang kinakailangang reporma sa pandaigdigang sistemang pinansiyal.

Noong ika-15 ng nakaraang Nobyembre, idinaos ang kauna-unahang summit na pinansiyal sa Washington ng mga lider ng G20, at narating nila ang pagkakaisa hinggil sa mga isyung may kinalaman sa magkasamang pagharap ng pandaigdigang krisis na pinansiyal, kaya, nagbigay ang komunidad ng daigdig ng mas marmaing pansin at pag-asa sa darating na ikalawang summit na pinansiyal na idaraos sa London. Hinggil dito, ipinahayag ni He Yafei, pangalawang ministrong panlabas ng Tsina na :

"batay sa isang responsableng pakikitungo, ang Tsina ay aktibong lalahok sa summit na ito, buong sikap na pasusulungin ang iba't ibang panig para marating ang positibo at aktuwal na bunga hinggil sa mga mahalagang isyung pandaigdig."

Pagkatapos ng pagganap ng pandaigdigang krisis na pinansiyal, ipinalabas ng mga bansa na kinabibilangan ng plano ng pagpapasigla ng kabuhayan sa malaking saklaw na kinabibilangan ng Tsina, at natamo ng mga hakbangin ng Tsina ang inisiyal na bunga sa kasalukuyan. Sa ulat ng gawain ng pamahalaan na pinagtibay sa taunang pulong ng pambansang kongresong bayan ng Tsina o NPC, iniharap ng Tsina ang target na isakatuparan ang 8% na paglaki ng kabuhayan sa taong ito, hinggil dito, sinabi ni premiyer Wen Jiabao ng Tsina na mahirap ang pagsasakatuparan ng target na ito, ngunit ito ay responsibilidad at pangako ng pamahalaan at ito ay nagpakita ng kompinyansa at pag-asa ng Tsina. sinabi niyang?

"nakahanda na ang plano namin hinggil sa pagharap ng mas malaking kahirapan, at iniharap na namin ang bagong plano sa pagpapasigla ng kabuhayan sa anumang sandali."

Kasabay ng buong lakas na pagpapasulong ng matatag na paglaki ng kabuhayan sa loob ng bansa, aktibong lumalahok ang Tsina sa pandaigdigang kooperasyon sa pagharap ng krisis na pinansiyal. Hinggil sa isyung kung i-aarange o hindi ng London summit ang hinggil sa pagdaragdag ng pondo ng Internationl Monetary Fund na binibigyan ng maraming pansin ng sirkulong panlabas, ipinahayag ng pamahalaang Tsino na sa paunang kondisyon ng pagarantiya ng kaligtasan ng pondo at makatwirang benebisyo, kinakatigan ng Tsina ang pagdaragdag ng pondo ng IMF. At bilang isang umuunlad na bansa, sa mula't mula pa'y, pinannatili ng Tsina ang pangangalaga sa inetres ng mga umuunlad na bansa para pasulungin ang magkasamang pag-unlad. Hinggil dito, ipinahayag ni He Yafei na ?

"buong tatag na papasulungin namin ang Milleumim Development Goals, at buong tatag na ipapatupad ang mga pangako nami sa mga bansang Aprikano at sa mga umuunlad na bansa na kinabibilangan ng pangako nina pangulong Hu at Premiyer Wen at iba pang lider na Tsino sa iba't ibang pandaigdigang situwasyon. "

Salin:Sarah