• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-04-01 22:01:05    
Guo Dong, collector ng sining ng Aprika

CRI

Kamakailan, idinaos sa Beijing ang pagtatanghal ng sining ng Aprika sa isang sentrol ng sining na pinamagatang "Tulay". Ang higit nakararaming eksibit ay inialok ni Ginoong Guo Dong na namuhay nang 18 taon sa Uganda at sa mula't mula pa'y nagsisikap siya para sa pagpapalitanng kultural Sino-Aprikano.

Sa sentrol ng sining "Tulay", itinanghal ang mahigit 500 artwork na Aprikano na kinabibilangan ng mga instrumentong musikal, pang-araw-araw na bagay at bagay na panrelihiyon na ginamit ng maharlika at sibilyan mula noong sinaunang panahon hanggang ngayon. Si Guo Dong ay tagapagplano ng eksibisyong ito. Sinabi niyang:

"Ito ang mabuting pagkakataon para maunawaan ng mga Tsino ang Aprika. Puwede ninyong lapitan a ang mga artwork at tamasubin ang mga ito. "

Nagsimula noong ika-8 dekada ng nakaraang siglo ang pakikipag-ugnay ni Guo Dong sa Aprika. Noong panahong iyon, kasabay ng reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina, parami nang paramang dayuhan ang pumunta sa Tsina para mag-aral, magtrabaho at mamuhay. Sa mga estudyanteng dayuhan, nakilala ni Guo ang mga Ugandan. Mainam ang relasyon nila at lagi sila mag-uusapan ang hinggil sa mga bagay sa Aprika. Sariwa ni Guo na:

"Nag-iwan ang mga kaibigang Aprikano sa akin ng malalim na impresyon. Self-possessed sila. Lagi nilang sinasabing 'napakaganda ng kanilang bansa', pero, bago ang panahong iyon, sa isip ko, ang Aprika ay mahirap lamang. Nang makita ko ang mga larawan ng aking kaibigan, nais akong pumunta sa Aprka."

Noong ika-9 na dekada ng nakaraang siglo, tumulak si Guo sa ibayo pang dagat. Pumunta siya sa Europa, ngunit, sa wakas, nanatili siya sa Aprika. Narito ang kanyang eksplanasyon:

"Iginagalang ang mga Tsino ng mga Aprikano. Mapagkaibigan at masipag sila. Ang mga bata ng mga kapit-bahay ko ay naging aking guro ng Ingles. Walang sagabal ang pakikipagpalagayan sa kanila."

Sa Uganda, nagpatakbo si Guo ng isang restaurant na nagsisilbi ng Chinese food at unti-unting nagiging kilala. Sa kaniyang restaurant ay makikita ang mga Italyano, Pranses at Briton sa Uganda. Naghuntahan sila hinggil sa sining, literature at inanyayahan si Guo sa tahanan nila. Nakita ni Guo ang maraming mahuhusay na artwork ng Aprika at unti-unting nagkagusto siya sa antique at mysterious na sining na Aprikano. Nagsimula siyang magtipon ng mga ito.

Kasabay ng paglaki ng kanyang negosyo, pumunta rin si Guo sa Congo, Sudan, Tanzania at iba pang bansang Aprikano at may malawak na relasyobn siya sa mga tribo. Sa palagay ni Guo, iginagalang ng mga Aprikano ang mga bagay na buhay at mahusay sila sa paghango ng inspirasyon mula sa kalikasan para sa paglikha ng kanilang sining. Sinabi niyang:

"Napakasaya ng mga Aprikano. Kahit sa isang munting kultsara, makikita mo ang maraming nililok na bagay. Pinalalamutihan nila lahat, pati ang kanilang sariling katawan."

Ngayon, si Guo ay amo ng isang kapihang Aprikano sa Beijing. Ang mga artwork ng Aprika at Tsina ang nakadisplay sa kanyang kapihang may 240 metrong parisukat. Binabalak niyang itatag ang café na katulad nito sa buong bansa. At ang kanyang mas malaking pangarap ay itatag ang isang museo ng sining na Aprikano sa Beijing. Sinabi niyang:

"Ipinalalagay ng mga Aprikano na naaapektuhan sila nang marami ng Tsina at umaasa rin silang magiging mas malalim ng pagkaunawa ng mga Chinese sa kanila. Kung makapagtitipon ng mas maraming artwork ng Aprikano at itatanghal sa isang museo ng sining na Aprikano para ilapit ang Aprika sa mga Tsino, makakabuti ito sa pag-uugnayan at pagpapalitan ng Aprika at Tsina. Umaasang matutupad ang pangarap na ito. "