Nagtagpo kahapon sa London sina Pangulong Hu Jintao ng Tsina at Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos. Buong pagkakaisang sinang-ayunan nilang magkasamang magsikap para itatag ang proaktibo, kooperatibo at komprehensibong relasyong Sino-Amerikano sa ika-21 siglo.
Ipinahayag ni Hu na sa kasalukuyan, ang relasyong Sino-Amerikano ay nasa bagong starting point at kinakaharap nito ang mahalagang pagkakataon ng pag-unlad.
Ipinahayag naman ni Obama na ang relasyong Sino-Amerikano ay pinakamahalagang bilateral na relasyon sa daigdig at ang dalawang bansa ay nagkakaroon, hindi lamang ng mahigpit na relasyong pangkabuhayan, kundi rin ng mga komong interes sa mga mahalagang isyung panrehiyon at pandaigdig. Ayon pa rink ay Obama, buong tatag na ipinangako ng pamahalaang Amerikano na susundin ang patakarang isang Tsina, igigiit ang tatlong magkasanib na komunike ng dalawang bansa. Tinatanggap at kinakatigan ng E.U. ang pagpapabuti ng relasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits at umaasang matatamo nito ang mas malaking progreso. Kinikilala ng E.U. na ang Tibet ay isang bahagi ng teritoryo ng Tsina at hindi kinakatigan nito ang pagsasarili ng Tibet.
Sinang-ayunan ng dalawang lider na itatag ang mekanismo ng diyalogong pangkabuhayan at estratehiko ng Tsina at E.U., ibayo pang palalimin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa malawak na larangan at palakasin ang diyalogong pampatakaran at progmatikong kooperasyon sa mga larangan ng enerhiya, kapaligiran at pagbabago ng klima. Ipinahayag nilang buong sikap na pauunlarin ang relasyon ng hukbo ng dalawang bansa.
Binigyang-diin pa nilang bilang dalawang pangunahing economy ng daigdig, magsisikap sila, kasama ng iba't ibang bansa ng daigdig, para pasulungin ang pagpapanumbalik ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig at patatagin ang pandaigdig na sistemang pinansyal. Buong pagkakaisang ipinangako nilang tutulan ang protectionism at pangalagaan ang matatag at malusog na relasyong pangkalakalan ng dalawang bansa.
Salin: Ernest
|