• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-04-03 17:45:00    
G20, narating ang mga komong palagay bilang tugon sa krisis na pinansyal

CRI

Ipininid kahapon sa London ang ikalawang G20 Summit sa Pinansya. Narating ng mga kalahok na lider ang komong palagay hinggil sa pagdaragdag ng pondo sa International Monetary Fund, pagpapahigpit ng regulasyong pinansyal at magkakasamang pagharap sa kasalukuyang krisis na pinansyal. Sa kanyang talumpati sa summit, nanawagan si kalahok na Pangulong Hu Jintao ng Tsina na agkapit-kamay ang komunidad ng daigdig para muling mapasigla ang kabuhayang pandaigdig, tutulan ang proteksyonismo, at pabilisin ang pagrereporma sa pandaigdigang sistemang pinansyal.

Hinggil sa mga natamong bunga ng summit, ganito ang koment ni Punong Ministro Gordon Brown ng Britanya.

"Nananalig tayong sa bagong siglo, hindi maihihiwalay ang ating kasaganaan. Ang pandaigdigang krisis ay nangangailangan ng kalutasang pandaigdig. Ang sustenableng pag-unlad ay nangangahulugan ng komong pag-unlad at ang kalakalan ay muling magsisilbing lakas na magpapasulong ng kaunlaran."

Nangako rin ang mga lider ng G20 na magkakasamang umaksyon para muling mapalago ang kabuhayang pandaigdig, mapanumbalik ang kompiyansa ng mga mamimili sa sistemang pinansyal at maiwasan ang muling pagganap ng katulad na krisis.

Sa kanyang talumpati sa summit, iminungkahi ni kalahok na Pangulong Hu Jintao ng Tsina, na agarang balangkasin ang istandard ng pandaigdigang regulasyong pinansyal na tatanggapin ng iba't ibang panig, pag-ibayuhin ang suporta ng mga pandaigdigang organong pinansyal sa mga umuunlad na bansa, pahigpitin ng International Monetary Fund ang superbisyon at pangangasiwa sa iba't ibang panig, lalung lalo na sa mga economy na nag-iissue ng reserve currency, repormahin ang IMF at World Bank para patingkarin ang representasyon at karapatan sa pagsasalita ng mga umuunlad na bansa sa nasabing mga organo at pasulungin ang pagtatatag ng makatwiran at inklusibong pandaigdigang sistema ng salapi.

Binigyang-diin ng pangulong Tsino na suportado ng Tsina ang pagdaragdag ng pondo sa IMF at dapat gamitin ang ibubuhos na pondo, pangunahin na, sa mga less developed country.

Inulit din ni Pangulong Hu ang pagtutol ng Tsina sa proteksyonismong pangkalakalan. Tungkol dito, ganito ang sinabi ni G. Chen Deming, Ministro ng Komersyo ng Tsina.

"Napatunayan ng kasaysayan na ang proteksyonismo ay ibayo pang nagpapalalim ng krisis na pinansyal at sa kasalukuyan kung kailan tumitindi ang krisis, nararamdaman ng mga tao ang pangangailangan sa pagtutol sa proteksyonismo."

Kaugnay ng mga konkretong hakbanging isasagawa ng G-20, ganito ang inilahad ni Punong Ministro Brown.

"Sa kauna-unahang pagkakataon, umaaksyon tayong lahat para itatag ang mga prinsipyo ng pagrereporma sa pandaigdigang sistema ng pagbabangko at batay rito, sasailalim sa regulasyon ang hedge fund. Sang-ayon din tayong repormahin ang mga credit rating agencies."

Napag-alamang sang-ayon ang mga kalahok na lider na buuin ang Financial Stability Board o FSB kapalit ng kasalukuyang Financial Stability Forum. At ang FSB, kasama ang IMF ay magmomonitor at magbababala sa posibleng panganib na pinansyal. Kasabay nito, rerepormahin ang IMF at WB para bigyan ng karapatan sa pagsasalita ang higit pang maraming umuunlad na bansa. Sang-ayon din ang 20 kalahok na lider na ibuhos ang 1 trilyong dolyares na pondo sa IMF at WB para tulungan iyong mga bansang nakasadlak sa kahirapan.