• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-04-09 15:00:07    
Ika-6 na CAEXPO, inaasahang magpapasulong pa ng pagtutulungang Sino-Asean sa kabila ng krisis na pinansyal

CRI

Tulad ng alam ninyo, ang Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, Tsina, ay nagsisilbing permanenteng lugar na pinagdarausan ng taunang China-Asean Expo. Sa taong ito, idaraos sa Guangxi ang ika-6 na CAEXPO at kaugnay nito, kinapanayam kamakailan ng mamamahayag ng CRI si G. Chen Wu, pangalawang gobernador ng Guangxi.

Ayon kay G. Chen, kapuwa apektado ng kasalukuyang pandaigdigang krisis na pinansyal ang Tsina at 10 bansang Asean at nagsisilbi itong hamon sa ika-anim na CAEXPO pagdating sa pagpapasulong ng pagtutulungang pangkabuhaya't pangkalakalan ng dalawang panig, pero, binigyang-diin niyang may kompiyansa ang Guangxi na patitingkarin pa ang papel ng CAEXPO sa pagpapasulong ng kalakalang Sino-Asean. Sinabi pa niya na:

"Sa tingin ko, sa taong ito, may kondisyon, pundasyon at pagkakataon kami sa ibayo pang pagpapasulong ng pagtutulungang Sino-Asean sa pamamagitan ng CAEXPO. Una, sa pamamgitan ng pagdaos ng limang katulad na ekspo, naitatag na ang magandang pundasyon ng pagtutulungan ng Tsina't mga bansang Asean. Ikalawa, naiangat na sa bagong antas ang kalakalang Sino-Asean at naglalatag ito ng magandang pundasyon para sa ibayo pang pagpapalawak ng kalakalan ng dalawang panig. Noong taong 2008, lumampas na sa 230 bilyong dolyares ang bilateral na kalakalan ng Tsina't Asean na maagang natupad ang pakay na umabot sa 200 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan sa 2010."

Ayon pa kay G. Chen, sa taong ito, nakatakdang magpalawig ng CAEXPO ang punong abala at magdaragdag din ng mga exhibition booth. Idinugtong pa niya na:

"Sa dating mga CAEXPO, may humigit-kumulang 3000 exhibition booth at masigasig sa pag-aplay ng mga ito ang mga lumahok na bahay-kalakal. Sa taong ito, upang matugunan ang pangangailangan, tinatayang magsuplay kami ng 4000 exhibition booth. Magpapalawig din kami ng ekspo sa 5 araw mula sa 4 na araw para mapaginhawa ang pagtatalakayan at pag-uugnayan ng mga lalahok na bahay-kalakal."

Napag-alamang sa CAEXPO sa taong ito, magdaraos din ang Guangxi ng Porum sa Pagtutulungang Pinansyal bilang plataporma para sa mga lalahok na bahay-kalakal sa pagtatalakayan hinggil sa paghihigpit ng pagtutulungan bilang tugon sa kasalukuyang krisis na pinansyal.

Ayon kay G. Chen, sa ika-6 na CAEXPO sa taong ito, itatampok din ng punong abala ang pagtutulungang pang-agrikultura ng Tsina't Asean. Idinagdag pa niya na:

"Kapuwa may kondisyon at may bentahe ang Tsina't Asean sa pagpapaunlad ng agrikultura. Kaya, ihahandog namin sa CAEXPO sa taong ito ang espesyal na pagtatanghal para itampok ang agrikultura at sa gayon, mapapasulong ang pagtutulungang Sino-Asean sa larangan ng agrikultura."

Binigyang-diin ni G. Chen na sa taong ito, mag-aalay ang Guangxi ng higit pang maraming kasiya-siyang serbisyo sa mga lalahok na bahay-kalakl mula sa Tsina't Asean para patingkarin ang papel ng CAEXPO sa pagpapasulong ng pagtutulungan ng dalawang panig at magkasamang tugunan ang kasalukuyang krisis na pinansyal.

Sa pamamagitan ng magkasamang pagsisikap ng Tsina't Asean, inaasahang matagumpay na idaraos ang ika-6 na China-Asean Expo sa kabila ng hamong dulot ng kasalukuyang krisis na pinansyal.