• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-10-11 10:54:52    
Shenzhou VI manned spacecraft, ilulunsad

CRI
Ipinatalastas ngayong araw sa Beijing ng namamahalang tauhan sa manned space program ng Tsina na ilulunsad ang Shenzhou VI, ikalawang manned spacecraft ng bansa, sa isang wastong petsa mula bukas hanggang ika-15 ng buwang ito.

Sinabi ng naturang namamahalang tauhan na mananatili ang spacecraft na ito nang ilang araw sa kalawakan na may lulang dalawang astronaut. Ayon sa plano, ilulunsad ang Shenzhou VI sa Jiuquan Satellite Launch Center sa kanlurang Tsina at lalapag sa sentro ng Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia.

Isiniwalat din ng namamahalang tauhan na napili na ang ilang astronaut para sa kasalukuyang paglipad at sa kasalukuyan, walang sagabal ang iba't ibang gagawing paghahanda para sa paglulunsad.