Ayon sa pinakahuling ulat ng namamahalang tauhan ng manned space program ng Tsina, ilulunsad bukas ng umaga ang Shenzhou VI, ikalawang manned spacecraft ng bansa.
Sinabi nito na mananatili ang spacecraft nang ilang araw sa kalawakan na may lulang dalawang astronaut. Ayon sa plano, ilulunsad ang Shenzhou VI sa Jiuquan Satellite Launch Center sa kanlurang Tsina at lalapag sa sentro ng Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia.
Isiniwalat din ng namamahalang tauhan na napili na ang ilang astronaut para sa kasalukuyang paglipad at sa kasalukuyan, walang sagabal ang iba't ibang gagawing paghahanda para sa paglulunsad.
|