Kaninang ika-9 ng umaga, inilunsad ng Tsina ang Shenzhou VI, ikalawang manned spacecraft ng bansa.
Ito ang ikalawang beses na naglunsad ang Tsina ng manned spacecraft pagkaraang matagumpay itong naglunsad sa kauna-unahang pagkakataon ng manned spacecraft noong nakaraang 2 taon. Ang Shenzhou VI na may lulang dalawang astronaut, na sina Fei Junlong at Nie Haisheng, ay inilunsad sa Jiuquan Satellite Launch Center sa kanlurang Tsina. Ayon sa plano, pagkaraang manatili nang ilang araw sa kalawakan, lalapag ang spacecraft sa sentro ng Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia.
|