• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-10-12 10:11:16    
Ikalawang manned spacecraft ng Tsina, matagumpay na nailunsad

CRI

Matagumpay na nailunsad kaninang umaga ng Tsina ang Shenzhou VI, ikalawang manned spacecraft ng bansa. Sa kasalukuyan, pumasok na ang spacecraft sa itinakdang orbita. Ito ang ikalawang beses na naglunsad ang Tsina ng manned spacecraft pagkaraang matagumpay itong naglunsad sa kauna-unahang pagkakataon ng manned spacecraft noong nakaraang 2 taon.

Ang Shenzhou VI na may lulang dalawang astronaut, na sina Fei Junlong at Nie Haisheng, ay inilunsad sa Jiuquan Satellite Launch Center sa kanlurang Tsina. Ayon sa plano, pagkaraang manatili nang ilang araw sa kalawakan, lalapag ang spacecraft sa sentro ng Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia.

Nanood ng mga lider na Tsino na kinabibilangan ni pangulong Hu Jintao ang live telecast ng paglulunsad.