Pagkaraang matagumpay na nailunsad ng Tsina ang Shenzhou VI, ikalawang manned spacecraft ng bansa, pinag-ukulan ito ng malaking pansin ng komunidad ng daigdig.
Sinabi ni Sylvie Callari, opisyal ng Pambansang Sentro ng Pananaliksik sa Kalawakan ng Pransya, na ang paglulunsad ng Shenzhou VI ay palatandaang matagumpay ang programang pangkalawakan ng Tsina at katibayan din sa paghawak ng Tsina ng teknolohiya para sa manned spaceflight.
Nagpahayag ng pagbati si Mark Kirk, kongresista ng mababang kapulungan ng E.U., at sinabi niya na ang matagumpay na paglulunsad na ito ay palatandaang gumawa ng isang malaking hakbang ang manned spaceflight program ng Tsina.
Kasabay nito, nagkaroon din ang Associated Press, Agence France-Presse, Reuters at mass media ng Alemanya, Italya, Hapon at Timog Korea ng mga madetalyeng pag-ulat hinggil sa kasalukuyang paglulunsad.
|