• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-10-12 20:15:49    
Ikalawang manned spacecraft ng Tsina, matagumpay na nailunsad

CRI

Matagumpay na nailunsad kaninang umaga ng Tsina ang Shenzhou VI, ikalawang manned spacecraft ng bansa, na may lulang dalawang astronaut, na sina Fei Junlong at Nie Haisheng. Ito ang ikalawang beses na paglulunsad ng Tsina ng manned spacecraft pagkaraang matagumpay na mailunsad ang kauna-unahan 2 taon na ang nakararaan.

         

Sa kasalukuyan, nasa itinakdang orbita ang spacecraft at pumasok na si Fei sa orbital module mula sa return module para sa pagsasagawa ng mga eksperimento sa kalawakan. Ayon sa plano, pagkaraang manatili nang ilang araw sa kalawakan, lalapag ang spacecraft sa sentro ng Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia.

Ang Shenzhou VI, ay inilunsad sa Jiuquan Satellite Launch Center sa kanlurang Tsina. Pinanood ng mga lider na Tsino na kinabibilangan ni pangulong Hu Jintao, premyer Wen Jiabao at iba pa ang live telecast ng paglulunsad.