Sa panahon ng paglalagom kagabi hinggil sa kalagayan ng pagpapalipad nang araw ring iyon ng Shenzhou VI, ikalawang manned spacecraft ng Tsina na inilunsad kahapon ng umaga, ipinalalagay ng kinauukulang ekspertong Tsino na kasiya-siya ang unang araw ng pagpapalipad ng spacecraft, ngunit dapat pa ring mag-ingat.
Ipinahayag ng eksperto na pagkaraang pumasok sa itinakdang orbita, normal ang suplay ng koryente at mainam ang iba't ibang function ng spacecraft at walang problema sa pagkain, pag-inom at pagtulog ng dalawang astronaut. Anya, ganap na naisagawa ang pagpapalipad alinsunod sa iskedyul.
Binigyang-diin din ng eksperto na bagama't walang sagabal ang lahat hanggang ngayon, dapat patuloy pa ring mag-ingat ang lahat ng mga working staff na kinabibilangan ng dalawang astronaut at buong taimtim na isagawa ang susunod na trabaho.
|