Sa kanyang talumpati hinggil sa isyu ng kalawakan na binigkas kahapon sa lupon bilang isa ng ika-60 Pangkalahatang Asemblea ng UN, ipinahayag ni Hu Xiaodi, embahador ng Tsina sa disarmamento, na ang paglulunsad ng kanyang bansa ng Shenzhou VI manned spacecraft ay ganap na para sa mapayapang layunin.
Sinabi ni Hu na ang pagsasagawa ng Tsina ng mga eksperimento hinggil sa space flight ay ambag para sa human science at usaping pangkapayapaan at nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng mamamayan ng daigdig, para mapayapang magamit ang kalawakan.
Tinukoy din niya na ang paggarantiya sa mapayapang paggamit ng kalawakan at pagpigil sa arms race sa kalawakan ay karapatan at obligasyon ng iba't ibang bansa at komong palagay din ng komunidad ng daigdig.
|