Hanggang kaninang ika-5 ng hapon, 32 oras nang nananatili sa kalawakan ang Shenzhou VI, ikalawang manned spacecraft ng Tsina at normal ang takbo ng spacecraft.
Napag-alamang isinagawa ngayong araw ng dalawang astronaut ang ilang eksperimento sa loob ng orbital module. Ilang beses din nilang binuksan at isinara ang pinto ng orbital at return module, isinuot at hinubad ang space suits at inoperate ang mga kagamitan para subukin ang epekto sa spacecraft na dulot ng aksyon ng tao.
|