• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-10-15 19:47:38    
Pangulong Tsino, nakipag-usap sa telepono sa mga astronaut ng Shenzhou VI

CRI

Kaninang ika-4:30 ng hapon, nakipag-usap sa telepono si pangulong Hu Jintao ng Tsina kina Fei Junlong at Nie Haisheng, dalawang astronaut ng Shenzhou VI manned spacecraft ng bansa.

Sa pag-uusap, unang-una na, kinumusta ni Hu ang dalawa at kaugnay ng kasalukuyang paglipad, sinabi niya sa kanila na,

"Nang malaman ko na mabuti ang inyong kalagayan at walang problema ang iba't ibang eksperimento, lubos na natuwa ako. Ang matagumpay na paglulunsad ng Shenzhou VI manned spacecraft ay palatandaang nakagawa ng isa pang mahalagang hakbang ang manned space program ng Tsina. Bilang mga astranout sa spacecraft, nagbigay kayo ng namumukod na ambag at ipinagmamalaki kayo ng inangbayan at mga mamamayang Tsino. Umaasa ako na matagumpay na maisasagawa ninyo ang inyong misyon at pinananabikan ng inangbayan at mga mamamayan ang inyong pagbabalik."