Napag-alaman ngayong araw ng mamamahayag mula sa sekretaryat ng China-ASEAN Expo, CAEXPO, na ang bunga ng pamumuhunan at kalakalan ng gaganaping ika-2 CAEXPO ay may pag-asang lalampas sa kauna-unahang ekspo.
Hanggang sa kasalukuyan, tinanggap ng ekspo ang mahigit 6600 inirekomendang proyekto at natiyak na ang mahigit 150 nakontratang foreign-oriented proyekto na nagkakahalaga ng 5.26 bilyong Dolyares. Kapwa lumaki ang bilang ng proyekto at halaga ng pamumuhunan kumpara sa nagdaang ekspo.
Sa isa pang development, sa isang espesyal na eksibisyon ng kasalukuyang ekspo na may tema ng pamumuhunan at kooperasyon, itatanghal ang mahigit 400 bunga ng mga pangunahing proyektong pansiyensiya at panteknolohiya ng Tsina na sumasaklaw sa mga larangan ng agrikultura, bio-medicine, bagong materyal, pagtitipid sa enerhiya, elektronikong pang-impormasyon, elektro-mekanikal at iba pa.
|