Pinag-ukulan ng malaking pansin ng mass media ng buong daigdig ang matagumpay na paglapag ng Shenzhou VI manned spacecraft ng Tsina at nagkober hinggil dito ang mga pangunahing ahensiya sa pagbabalita ng Britanya, E.U., Pransya, Hapon, Italya at iba pa.
Anang mga ulat, ang matagumpay na spaceflight ng Shenzhou VI ay nagpatibay ng lakas-kohensyon ng Tsina at nagpataas ng pananalig ng mga mamamayang Tsino sa puwersang panlipunan at pangkabuhayan ng bansa. Ayon pa rin sa mga ulat, nanatiling limang araw sa kalawakan ang Shenzhou VI na may lulang dalawang astranout at ginawa rin ng mga astranout ang mga eksperimento sa kalawakan. Ito ay palatandaang nagkamit ang Tsina ng malaking progreso sa teknolohiyang pangkalawakan at bibilis din ang pag-unlad ng usaping pangkalawakan nito.
|