Kaninang madaling araw, nakaligtas na lumapag sa Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia sa hiligang Tsina ang Shenzhou VI, ikalawang manned spacecraft ng bansa na inilunsad noong limang araw na nakararaan. Mainam ang kalagayan ng dalawang astranout.
Pagkatapos, sa ngalan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, Konseho ng Estado at Sentral na Komisyong Militar, binasa ni tagapangulo Wu Bangguo ng pirmihang lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ang mensaheng pambati. Sinabi niya na ang pagtagumpay ng paglipad ng Shenzhou VI manned spacecraft ay palatandaang nagkamit ang Tsina ng isa pang mahalagang porgreso na may katuturang makasaysayan sa teknolohiya ng manned spaceflight at eksperimento sa kalawakan na may paglahok ng tao. Sinabi rin niyang patuloy na pauunlarin ng Tsina ang teknolohiya ng manned spaceflight at aktibong gagalugarin ang yaman ng kalawakan para makapaghatid ng benepisyo sa sangkatauhan.
Sa isang may kinalamang ulat, isiniwalat ngayong araw ni Tang Xianming, direktor ng tanggapan ng Tsina hinggil sa manned spaceflight program, na tinatayang maisasakatuparan sa 2007 ng Tsina ang paglabas ng astranout sa module at paglakad sa kalawakan.
|