Binuksan ngayong araw sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi Zhuang sa timog kanlurang Tsina, ang apat na araw na ika-2 China-ASEAN Expo o CAEXPO.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Bo Xilai, ministro ng komersyo ng Tsina, na nakahanda ang kanyang bansa na magsikap, kasama ng mga departmentong pangkabuhayan at pangkalakalan ng mga bansang ASEAN at sekretaryat ng ASEAN, para makapagkaloob ng mahusay na serbisyo sa mga nogesyonte ng iba't ibang bansa nang sa gayo'y isasakatuparan ang mutuwal na kapakinabangan at win-win situation.
Sa kanya namang talumpati, tinukoy ni pangkalahatang kalihim Ong Keng-yong ng ASEAN na ang Tsina at ASEAN ay naging ika-4 na pinakamalaking trade partner ng isa't isa. Anya, kasunod ng pagpapasulong ng pagtatatag ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN, magiging mas malawak ang espasyo ng mga negosyante ng iba't ibang bansa para sa pagbebenta ng paninda, pagpapalawak ng pamilihan at pagpapasulong ng negosyo.
|